Kabanata 30

53 1 0
                                    

| 30 |




•~•



Hill's POV


"Ikaw ba'y may lakad?"- nagtatakang tanong ni aling gina ng mapansin ang suot ko.

Kinuha ko sa kaniya kanina ang damit ko nuong nangyari ang sunog. Linabhan niya pala kaya hindi ko mahanap nuon. Sinuot ko ngayon ang damit kong muscle shirt, ripped jeans at highcut converse.

Dalawang araw na ang lumipas matapos kong malaman na pinaghahanap kami ng mga kawal ng palasyo.

Pinag isipan ko pa kung anong gagawin ko para mahanap sila gabby at pagsabihan si heis tungkol sa kapareha niyang isang kalaban din.

Ayokong manatili na lamang dito at hintayin na may masamang mangyari sa kanila.

"Hahanapin ko po ang mga kaibigan ko."- sagot ko habang nagsisintas ng sapatos.

"Ngunit delikado ngayon sa labas. Baka masumpungan ka ng mga kawal."- paalala niya at tuluyan nang pumasok sa kwarto.

"Huwag po kayong mag alala aling gina. Sisiguraduhin ko pong hindi nila ako makikita."- paniniguro ko.

Kailangan ko ding bumalik sa palasyo para kunin ang bag kong naiwan at para na din makausap si heis.

"Ngunit kakayanin mo ba? Batid na ng mga mamamayan ang iyong hitsura. Ako'y nangangamba na makilala ka din nila."- nag aalala niyang wika habang pinapanuod ako sa ginagawa.

Umayos ako ng tayo ng matapos ko ang ginagawa at hinarap siya.

"Sisiguraduhin ko pong hindi nila ako makikita. Maraming salamat po sa tulong niyo. Kapag nahanap ko na po ang mga kaibigan ko ay dadalawin namin kayo."- pahayag ko at nginitian siya.

Nagkaroon ng emosyon ang kaniyang mata pagkatapos ay napabuntong hininga.

"Mag iingat ka sana sa iyong paglalakbay. Huwag ka ding magpapagabi sa daan dahil delikado. Nawa'y mahanap mo ang iyong mga kaibigan. Ito na lamang ang tangi kong maibibigay na tulong."- seryoso niyang paliwanag at tinapik ako sa balikat.

Kahit papano ay malaki din ang naitulong sa amin ni aling gina. At nagpapasalamat ako duon dahil may gumabay sa amin sa lugar na ito.

Ginamit ko ang binigay niyang balabal para may magamit akong pangtakip ng mukha. Dumaan ako sa pamilihan para makapunta sa palasyo.

Alam kong delikado at maaaring may makakita sa akin pero kailangan kong makausap si heis. Ayokong may mangyari sa kaniya sa oras na magkasama sila ng kaniyang kapareha.

Muntikan nang mamatay si heis nuon dahil sa dugong nakuha sa kaniya. Ibig sabihin lang nun may balak talaga ang kapareha niya na patayin siya. At hinding-hindi ko hahayaang mangyari yun.

Sigurado din ako na walang nagbabantay sa likod ng palasyo dahil mataas ang pader at sa pag aakalang walang makaka akyat nun ay wala ng nag abalang magbantay pa.

Sa kagubatan ako naglakad para magtungo duon. Hindi din naman ako maliligaw dahil sa taas ng pader ay makikita ko agad.

Hinihingal akong napatigil sa harapan ng malaking pader. Kung hindi ako nagkakamali ay alas dies na ng umaga dahil sobrang init na at nakakapaso ng balat.

Tinanggal ko ang suot na balabal at tinali sa bewang ko. Gawa sa bato ang pader kaya may pagpapatungan ako ng paa.

"Kaya ko to....kaya ko to..."- paulit-ulit kong bulong habang pinupunasan ang palad na namamawis.

A Journey To VillaValencio (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon