| 53 |
•~•
3rd Person's POV
"H-hindi yun magagawa ni lucian ate."- nanginginig na iling ni heis ng mapagtanto ang iniisip ng kaniyang kapatid.
"Ah, ang kapareha ng aking kapatid."- lumipat ang paningin ni hades ng mapansin si heis.
Naglakad siya papalapit dito ngunit mabilis siyang hinila ni harvey at tinago sa kaniyang likuran.
"Huwag kayong mangamba. Hindi kayo trinaydor ng aking kapatid. Sadyang hindi lang siya magaling magtago."- kibit balikat nito at sinilip si heis na nakahinga ng maluwag.
"Matagal na naming batid na nahanap na nito ang kaniyang kapareha kung kaya't palihim ko siyang pinasundan."- paliwanag nito at umayos ng tayo.
"Kinailangan ko lang siyang bigyan ng dahilan upang dalhin niya kayo dito."- umangat ang gilid ng labi nito ng makita ang gulat na mukha ng magkakapatid.
"Pasensya na ngunit sa pagkakataong ito, hindi magtatagumpay ang plano niyo."- komento niya at tinalikuran na sila.
Naglakad siya sa gitna ng mga nilalang na nakapila at nang makalabas si hades ay sumunod naman sila.
Nang hindi na nila matanaw ang mga mamamayan ay muli silang humarap sa haring kanina pa sila pinapanuod.
Nanatili ang malamig at walang emosyon niyang mukha habang nakatanaw sa kanila nang may nanunuring mata.
"Tanungin niyo na lahat ng inyong mga hinaing ngayong binibigyan ko pa kayo ng ilang oras bago ko kayo dalhin sa impyerno."- namula ang mata ni sathannius habang ang pananalita nito'y mabagal at puno ng galit.
Nanindig ang balahibo nilang apat hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa presensyang dala nito.
Napaiwas ng tingin si magdalene at heis. Ramdam nila ang bilis ng tibok ng kanilang puso at ang pamamawis nila sa nuo. Nanlalamig naman ang mga kamay ni harvey at marcelo dahil ngayon lang sila nakaharap ng isang nilalang na napapalibutan ng mabigat at itim na awra.
Bagama't ma awtoridad ito'y mas nangingibabaw ang masakim at mapanganib niyang dala.
"Kayo siguro'y nagtataka kung bakit nagpatayo ako ng palasyo dito sa VillaValencio."- panimula ng hari habang nanatili ang posisyon nitong tila walang gana.
"Nuong una'y hangarin ko lamang na paslangin lahat ng VillaValencio. Ngunit napagtanto kong hindi yun sapat bilang paghihiganti sa inyo."- ngisi niya at sinandal ang likuran sa kaniyang trono.
Gamit ang hintuturo ng kanang kamay niya ay sinimulan niyang tapikin ang kinasasandalan ng kaniyang palad. Iyon lamang ang ingay na umaalingawngaw sa bulwagang kinaoroonan nila.
"Nararapat lamang na kunin ko din ang isang mahalagang bagay sa inyo, hindi ba?"- mas lumawak ang ngisi niya nang makita ang namumutlang mukha ng apat.
"At ang bagay na iyon ay ang pinakamamahal niyong mamamayang pinalilingkuran niyo mismo."- bulong ng hari ngunit sapat na yun upang marinig ng magkakapatid.
"Anong gagawin niyo sa kanila?"- biglang tanong ni marcelo habang nakatingin kay sathannius.
Bagama't nagawa niyang magtanong ay nanduon pa din ang pangamba sa kaniyang boses.
BINABASA MO ANG
A Journey To VillaValencio (Complete)
Historical FictionWhat happens when a group of friends suddenly disappears in a mysterious town? Meet hill, gabby, cliff, kiro and aki. A highschool student who went to VillaValencio for their history project. As they went there, something unexpected happened to them...