Kabanata 37

41 1 0
                                    

| 37 |


•~•


Hill's POV

"Hill! Hill!"- dali-daling linapitan ako nila cliff ng makita nila ako sa pintuan ng kusina.

"Are you okay?"- tanong ni cliff at inalalayan akong tumayo.

"I-I'm fine."- nauutal kong tugon.

"What happened?"- tanong ko sa kanila.

"Bigla na lang nawala ang dalawang bampira kanina sa taas."- paliwanag ni kiro ngunit agad na napasigaw ng makita ang bampirang wala ng buhay sa ilalim ng hagdanan.

"What happened here hill? Anong nangyari sa kaniya?"- gulat na tanong ni gabby.

"Sigurado ba kayong hindi niyo nakita ang dalawang bampira na humabol sa inyo? Wala man lang kayong narinig na kakaiba?"- tanong ko ng maalala ang babaeng yun.

Nagkatinginan silang tatlo at sabay na napailing.

"Bakit? May nakita ka pa bang iba bukod sa kanila?"- tanong ni cliff sa akin.

Liningon ko siya at akmang magsasalita ng pigilan ko ang sarili. Bumuntong hininga ako at umiling.

"Umalis na tayo dito."- sambit ko na agad nilang sinang ayunan.



•~•



"Mabuti na lamang at hindi bumisita si heis. Magtataka yun kapag hindi niya tayo nadatnan dito."- pabuntong hiningang komento ni gabby at pagod na naupo sa harapan ko.

"Wala ba kayong nakuha?"- tanong ko sa kanila.

"Wala akong nahanap na pagkakakilanlan sa dating reyna. Wala din akong nakitang litrato niya."- kwento ko.

"Hindi ko alam kung makakatulong ito pero galing ito sa kwarto ng ama ng dating reyna."- linabas ni cliff ang isang itim na leather book.

"Anong laman niyan?"- tanong ni kiro at hinablot ito kay cliff.

Napairap na lamang sa inis si cliff at naghalukipkip.

Nangunot ang nuo ko at pinagmasdan ang librong hawak ni kiro. Tumabi na din si gabby sa kaniya at sabay nilang tinignan ang mga nakasulat duon.

"It's about medicine, nothing else."- bigong imporma ni gabby sa amin.

Nangunot ang nuo ko at dali-daling tumakbo papasok ng kwarto namin ni gabby. Kinuha ko ang bag ko at hinanap duon ang bagay na nasa akin.

"Hill? Are you alright?"- I heard gabby's voice.

"Yeah, I'm fine."- tugon ko at nang mahanap ang bagay na yun at mabilis akong lumabas.

Gulat na napatingin sa akin ang tatlo ngunit bumaba ang paningin nila sa hawak kong libro.

Napanganga si gabby at kiro bago linipat ang paningin sa hawak nilang libro.

"Woah! It's the same! Where did you get that?"- kiro narrowed his eyes.

"Nakuha ko ito sa palasyo. This is the diary I am reading."- kalmdong hayag ko.

Lumapit ako sa kanila at naupo. Linapag ko sa center table ang libro at binuklat yun sa pinakahuling pahina. Kinuha ko ang nakalagay na puting rosas duon at pinakita sa kanila.

Napasinghap sa gulat si gabby at napaawang ang labi nila kiro at cliff.

"Ang ibig sabihin lang nito, ang diary na binabasa ko ay pagmamay-ari ng dating reyna."- bulong ko habang tulalang nakatitig sa kanila.

A Journey To VillaValencio (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon