Kabanata 12

91 3 0
                                    


| 12 |





•~•

Hill's POV


Agad naming sinundan si heis at gabby na nakakalayo na ng distansya samin.

Pagkatapos naming lumabas ng dining area ay sa kaliwang pasilyo kami dumaan. Hindi ito ang daan patungo sa silid namin dahil pakanan yun at may hagdan pa kaming aakyatan.

Naglakad kami sa bulwagan kung saan dito nagaganap yung mga pagdiriwang. Napakalawak ng paligid at may tatlo pang chandelier sa itaas na ang kulay ay ginto habang may mga kandilang nakatirik. Malalaki sila kaya agaw pansin.

May mga nakasabit namang lampara sa bawat gilid at carpeted ang sahig. Mas lalong kuminang ang mga dyamanteng nakadikit sa gintong pader habang naglalakad kami sa gitna ng malawak na bulwagan.

Sa harapan ay ang trono ng hari at reyna ngunit nakakapagtakang wala sila duon. Saan kaya sila nagpunta?

Dahil sa kakatingin ay hindi ko namalayang nakalabas na pala kami at napagtantong sa garden kami nagtungo.

Lalo akong namangha ng mapagmasdan nang malapitan ang garden nila. Sobrang ganda! May mga butterfly pang iba't-iba ang kulay at lumilipad.

Sa likod ng mga punong nakahilera at bushes ay may mataas na pader at sa itaas nito'y may mga bakal na matutulis sa dulo kaya paniguradong mahihirapang makapasok ang mga bampirang magbabalak pumasok dito.

"Oh my god! This is so beautiful! I cannot!"- maarte pang napahawak sa pisngi si gabby bago nagtatatakbo para habulin ang mga paru-paro. Ngunit nagsiliparan lang sila palayo.

"Damn."- manghang mura pa ni kiro at nagpagulong-gulong pa sa bermuda grass na para bang first time niyang magtungo dito.

Ano siya si Rapunzel? Tsk.

Natatawang lumapit na lang ako kay heis na ngayon ay nasa ilalim ng puno habang may puting paru-paro sa kaniyang hintuturo na nakadapo.

Pinagmamasdan niya ito kaya hindi man lang niya napansing naupo ako sa tabi niya. O alam niya at masyado lang siyang naaaliw sa paru-paro?

Hindi ko na lang din pinansin ang apat duon na kung ano nang ginagawa nila.

Marahang umihip ang hangin dahilan kung bakit sumayaw ang buhok naming dalawa. Napakahaba pala ng buhok ni heis at mas lalo akong namangha dahil sa abo nitong kulay.

"Heis, gaano kalawak ang VillaValencio?"- tanong ko habang pinapanood din ang paru-parong nakadantay sa kaniyang hintuturo.

Saglit namang napalingon si heis sakin bago napaisip.

"Mmm, isang bayan ang VillaValencio ate kung kaya't malawak ito. Kung ikukumpara sa ibang bayan, ang bayang ito ang pinakamalawak na lugar sa buong Pilipinas."- tugon niya bago muling napatingin sa paro-parung lumipad na paalis sa kaniyang hintuturo.

Sinundan namin ito ng tingin bago ako nagsalita.

"Dito lang ba ang may namumuno? Ibig kong sabihin wala bang mga hari at reyna sa ibang bayan?"- tanong ko at umayos ng upo para sumandal sa puno.

"May mga namumuno sa bawat bayan ate pero hindi reyna o hari ang tawag sa kanila. Itong lugar lang po ang natatanging may hari at reyna. Ngunit aking nauulinigan kay amang hari na may mga bayan ding walang namumuno. Ang Villavalencio kase ang natatanging lugar na kakaiba sa pangkaraniwang mamamayan na nakatira sa ibang bayan. Ibig sabihin nun mga tao na po ang nakatira sa mga bayan maliban ang Villavalencio. "- paliwanag niya at saka ako nginitian.

A Journey To VillaValencio (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon