| 46 |
•~•
3rd Person's POV
Pagpatak ng gabi ay lumusob ang mga kalaban sa tahimik at maayos na sentral.
Ang mga taong nagbebenta ng mga pagkain, ang mga mamamayang namamasyal, mga batang naglalaro, kalesang dumadaan at taong naguusap-usap ay nagsigawan at nagtakbuhan ng isa-isang magsidatingan ang mga nilalang na nakasuot ng itim roba.
May lobo, mangkukulam, diwata at higit sa lahat ay bampira. Bukod sa kasuotan nila ay pareho-pareho silang may marka sa kanilang leeg na kulay itim na bungo.
Sa gitna ng kaguluhan ay tumayo ang dalawang magkapatid sa bubong ng simbahan kung saan tanaw na tanaw sa baba ang nangyayari.
Natawa si prinsesa lucy samantala napangisi naman si prinsipe lucifer na animo'y naaaliw sa kaganapang nasasaksihan niya.
"Tayo'y magsimula na."- nasasabik nitong yaya at tumalon pababa kung saan nangyayari ang gulo.
Naglakad siya sa gitna ng daan kung saan tumatakbo ang mga mamamayan papalayo sa mga sumusugod na kalaban.
Namula ang kaniyang mata at pinitik ang daliri. Nang may lumabas na apoy sa kaniyang dalawang palad ay isa-isa niyang sinunog ang mga pamilihang nakatayo sa bawat gilid.
Napatingala siya habang nakangisi. Nasisiyahan siya sa mga sigawan at ingay na naririnig niya sa kaniyang paligid. Tila ito'y musika na nakakapagdagdag sa kaniyang motibasyon.
Samantala lumipad naman sa ere si prinsesa lucy habang natatawa sa nakikita niyang kaganapan.
"Ang sarap nilang pagmasdan."- bulong nito sa sarili.
"Lalong-lalo na ang bawat ekspresyon ng kanilang mukha. Nakakaaliw."- ngumiti siya ng malawak at bumagsak sa entabladong hindi pa naaalis kaninang umaga.
Naglikha yun ng ingay dahilan para mapatingin ang ilang mamamayan sa kaniya.
Pinaghiwalay niya ang kaniyang kamay at namula ang kaniyang mata. May binulong siyang mga salita at pagkatapos nun ay natigilan ang mga kalalakihan sa pagtakbo.
Animo'y estatwa sila at hindi makagalaw. Namula din ang kanilang mata at tila hindi makontrol ang sariling katawan.
Napangisi si lucy at winasiwas ang kamay na tila may kinokontrol. Sa oras na yun ay napaharap ang mga kalalakihan at nagmistulang robot kung maglakad.
Ang iba'y sinubukang gisingin ang mga lalakeng naapektuhan ngunit tila wala silang sariling isip dahil patuloy sila sa paglalakad papalapit sa entabladong kinaroroonan ni lucy.
"Ganiyan nga kayo'y lumapit sa inyong prinsesa."- nang aakit na bulong ni lucy habang tumatawa.
Nang tumigil lahat ng kalalakihan sa harapan ni lucy ay may dumating na isang bampirang kasama niya. May bitbit itong timba na naglalaman ng mga maliliit na bote.
Sa loob ng boteng yun ay may lamang itim na likido.
Binaba ng bampira ang timba sa harapan ng mga kalalakihan. Hindi na nag aksaya ng oras ang prinsesa dahil kinontrol niya ang mga ito na kumuha ng bote at inumin ang laman nun.
BINABASA MO ANG
A Journey To VillaValencio (Complete)
Historical FictionWhat happens when a group of friends suddenly disappears in a mysterious town? Meet hill, gabby, cliff, kiro and aki. A highschool student who went to VillaValencio for their history project. As they went there, something unexpected happened to them...