| 18 |
•~•
Hill's POV
"Magandang hapon. Bernardo ang aking ngalan, heneral ng hukbo at ang kanang kamay ng hari. Ako'y naparito upang imbitahan kayo sa bulwagan."- pormal na bati ni bernardo habang ang isa niyang kamay ay nasa dibdib at ang isa ay nasa likuran.Mula sa pagkakayuko ay umayos siya ng tayo. Nakasuot siya ng armor katulad ng ibang kawal pero siya lamang ang naiiba.
Matangkad, may katamtaman na pangangatawan pero makisig. Mestizo, hanggang panga ang kulay brown nitong buhok at may bigote. Kapansin-pansin ang sandata nitong nakakabit sa gilid ng bewang niya.
"Pinapatawag na ho ba kami ng hari at reyna?"- tanong ni gabby mula sa aking likuran at nakasilip.
"Iyon ang utos ng hari."- walang ekspresyon ang mukhang tugon niya atsaka muling yumuko.
Narinig ko naman ang excited na palakpak ni gabby. Nang sulyapan ko siya ay nagsusuklay na ito ng buhok. Suot-suot niya ngayon ang kulay yellow niyang off shoulder, pants at doll shoes samantala naka t-shirt lang ako, ripped jeans at sapatos.
Hinintay pa kami ni bernardo ng katukin namin ang kwarto nila cliff. At ng lumabas na silang tatlo ay sabay-sabay na kaming nagtungo sa nasabing lugar.
Ramdam ko pa ang kabog ng puso ko dahil sa kaba. Kahit na excited akong makita sila ay kinakabahan pa din ako sa mangyayari.
Ano kayang sasabihin nila gayong tao kami at nakapasok sa lugar nila? Mahahalata kaya nila na hindi kami nanggaling sa taong ito?
Nang ibalita sa akin yun nila kiro paggising ko ay kinakabahan na talaga ako. Natatakot ako na palayasin nila kami dito. Wala pa naman kaming mapuntahan.
Naalala ko na dito din ang dinaanan namin nuong pumunta kami sa garden.
I swallowed the lump on my throat when I saw the queen and king from distance. Nakaside view sila kaya hindi ko pa sila gaano nakikita ng husto lalo na't parehas silang nakaupo sa kanilang trono.
Tumigil lang kaming lahat sa paglalakad ng makarating kami sa harapan nila. Nakatayo kaming lahat sa karpet at magkakatabing lima.
Sa aming harapan ay si bernardo na pormal lamang ang tayo at walang kabang nararamdaman pero puno ng paggalang.
Presensya palang ng hari at reyna ay natatakot na akong tignan sila. Nanatili ako sa pagkakayuko at halos hindi na huminga sa kaba. I have never saw a queen and a king personally before.
Akala ko kapag makakakita ako ay makakaramdam ako ng excitement at saya pero baliktad pala. Kinakabahan ako at natatakot na baka may magawa akong mali sa harapan nila.
"Sila'y nandito na, kamahalan."- anunsyo ni bernardo at yumuko bilang paggalang.
Nagkatinginan kaming lima atsaka ginawa din ang ginawa niya. Nanatili kaming nakayuko dahil sa takot na baka bawal ang sulyapan sila.
"Sila na ba ang tinutukoy ni prinsipe harvey na tagabantay ni heis?"
Halos magsitayuan lahat ng balahibo ko ng marinig ang malalim at baritonong boses ng hari. Mabuti na lamang talaga at hindi nahulog ang puso ko sa pagkabigla.
Napaka maawtoridad ang kaniyang boses. Yung tipong wala pa siyang inuutos pero willing ka ng magpa utos. Ayaw mo siyang suwayin kase natatakot kang mamatay. Boses pa lamang niya masisindak ka na.
"Siyang tunay mahal na hari."- muling tugon ni bernardo.
Matunog akong napalunok sa kaba. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako ng malamig.
BINABASA MO ANG
A Journey To VillaValencio (Complete)
Historical FictionWhat happens when a group of friends suddenly disappears in a mysterious town? Meet hill, gabby, cliff, kiro and aki. A highschool student who went to VillaValencio for their history project. As they went there, something unexpected happened to them...