Kabanata 11

104 3 0
                                    


| 11 |





•~•

Hill's POV



Nakatulog at nagising ako ng maayos sa malambot at malaking kama katabi si gabby na natutulog pa din.

I climb off the bed and slowly went through the veranda. I gently open the white curtain and a beautiful sky came on my view.

Kusang tumama saking mukha ang sinag ng araw. Hindi yun nakakapaso kaya nanatili akong ganun ng ilang segundo bago naisipang maglakad papalapit sa railings ng veranda.

Kumpara sa veranda ng aking kwarto, mas malawak dito. Parang isang kwarto na sa lawak.

Carpeted ang sahig, may mga bulaklak sa bawat marmol na nasa magkabilang side ng veranda. Nakapulupot ang mga ugat duon na may mga bulaklak pa. Tapos may round table sa side at dalawang upuan na magkaharap.

Napaka lamyos nang ihip ng hangin na bahagyang sinasayaw ang hanggang balikat kong buhok. Humawak ako sa sementadong hawakan at sumilip sa ibaba.

Halos mapanganga ako ng ma realize na ang taas pala ng kwartong kinaroroonan namin. Ngunit kitang kita ko sa baba ang hardin ng palasyo. Malawak ito at halos sakop ng side na ito ng palasyo.

Hindi ko napigilang mamangha sa kagandahan ng hardin na yun. Hindi yun tulad ng hardin sa amin o kaya'y sa panahon namin.

May mga iba't-ibang klase ng puno na nakatayo sa pinakagilid at magkakahilera sila ngunit may sapat na distansya. Kulay yellow ang mga dahon ng puno at hugis pa triangle ang istilo nito. Paniguradong matayog ang mga punong yun.

May mga bushes naman na kulay green at may mga bulaklak pa duon na iba't-iba ang kulay at klase. Mayron ding mga rosas. May puti at pula.

Sa gilid ay parang may garden house at ang tanging roof nito ay mga ugat ng halaman at ang mga pader nito ay mga bulaklak lang ngunit hindi kita ang loob.

Ang parteng yun ng hardin ay may bermuda grass. Tuloy ay gusto kong pumunta duon. Baka kapag nasa baba na ako at mapagmasdan ko ng malapitan yun ay mas lalo pa akong mamangha.

Sinulit ko muna ang mga mata ko bago napagpasyahang pumasok na ng kwarto. Nadatnan ko ng gising na si gabby.

Gulo-gulo ang buhok niya at kinukusot pa ang mga mata.

"Good morning."- I greeted her with a smile.

Natigil naman ito sa pagkusot at napatingin sakin.

"Good morning hill!"- masigla niyang bati at saka ako nginitian ng matamis.

"Did you go somewhere?"- she asked before yawning.

"Ah, pumunta lang ako ng veranda. Ang ganda nga ng garden nila eh."- imporma ko at naupo sa edge ng kama.

Tumango naman ito. "You know what hill?"- she started after some time.

"What?"

"I dreamed something....weird."- she mumbled like she's remembering something.

"What is it?"- I asked with a frown.

Ngumuso naman siya at sinuklay ang buhok niya gamit ang kaniyang daliri.

"It's a woman."

"Huh?"- taka kong tanong.

"Agh."- ginulo niya ang buhok niya sa inis.

"Parang biglang lumabo. I'm sure alam ko yun pero bigla na lang lumabo. I can't explain."- lumabi ito at nagkusot ulit.

"Maybe just a weird dream?"- she shrugged.

A Journey To VillaValencio (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon