Kabanata 9

91 4 0
                                    


| 09 |



•~•


Hill's POV


Kaya pala ganun na lang ang reaksyon ng mga tao noong nasa pamilihan kami. Kahit bulong lang ay agad na nila kaming narinig at napansin.

Ang pag singhot nila at ang nakita kong ginawa ni aling gina bago kami tumapak sa pamilihan, lahat ng yun nakakapagtaka dahil hindi yun gawain ng isang normal na tao.

Naalala kong may lumabas na itim na usok sa kamay ni aling gina. Ako lang ang nakakita nun dahil sa iba nakatingin ang mga kasama ko kahapon.

Kung hindi ako nagkakamali, ginawa niya yun para pagtakpan ang pagkatao namin bilang isang tao. Kaya siguro hindi nalaman ng mga bampira sa pamilihan na tao kami dahil sa kapangyarihan niya.

Kung nagkataon lang na hindi namin siya nakita at nagtungo kami sa pamilihan, baka kahapon pa ay patay na kami.

Kaya din pala bago kami umalis sa bahay niya ay binigay niya samin ang kwintas. Para kahit wala na siya ay mapagtatakpan pa din ang totoo naming pagkatao.

Kaya pala kahit anong pilit ng prinsipe na basahin ang isipan namin sa kwarto kanina ni heis ay hindi niya magawa dahil sa kwintas na suot namin.

Yung kwintas ang nagbibigay samin ng proteksyon sa mga bampira.

Kaya pala wala silang anino at pinapatay ni aling gina ang ilaw ni gabby noon dahil takot siya. Idagdag pa ang pamumula ng mga mata nila. Lahat ng yun katangian ng isang bampira.

Damn it. All this time I thought I'm going crazy for thinking about things when in truth, they are all real.

Lahat ng nakatira sa Villavalencio ay bampira.

It all makes sense.

Tama ang lolo ni aki. This is not just an ordinary place.

Kakaiba ang lugar na ito.

Ngunit nasaan na sila pagdaan ng maraming dekada? Nuong pumunta kami sa VillaValencio para ma-interview ang lolo ni aki, wala ng mga nakatira duon.

Hindi ba dapat buhay pa sila dahil mga immortal sila? O baka naman umalis na sila para magtungo sa ibang lugar?

Isa pang iniisip ko ay ang lolo ni aki. Hindi kaya bampira din siya? At totoo ang nakita ni gabby na namula ang mga mata niya?

That only means that aki and his family are vampires too?!

Nanindig ang balahibo ko saglit pero nawala din agad ng mapagtanto na may anino pala siya kaya that explains that he's not a vampire right? Hindi din siya takot sa araw. Wala din siyang kapangyarihan.

Pero bakit hindi din takot sa araw ang mga bampira dito? Siguro tama si aki sa sinabi niya sa akin nuong napansin niyang walang anino si aling gina sa gubat. Yun ay may gamot silang ginagamit para hindi sila masunog.

"Waaaah! Lumayo kayo!"- ngawa ni gabby habang hawak ang isang supot ng bawang na dala-dala niya sa kaniyang bag.

Magkakadikit kaming lima ngayon habang nasa harapan namin ang magkapatid na nakalabas ang pangil at tila uhaw na uhaw sa dugo.

"Sabi na nga ba at totoo ang mga bampira."- bulong ni aki sa aking likuran.

Kailangan pa bang ipamukha yan ngayong nasa bingit na kami ng kamatayan? Seriously?!

A Journey To VillaValencio (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon