Kabanata 29

49 1 0
                                    

| 29 |



•~•



Pebrero 13, 1688

"Ama, ano sa tingin mo ang hitsura ng mahal na hari?"- nagtataka kong tanong kay ama ng magsimulang gumalaw ang sinasakyan naming kalesa. Magkaharap kami ni ama ngayon habang nakaupo.

Hindi ko pa nasusumpungan ang hari buong buhay ko. Gustuhin ko man ay wala akong magawa dahil na rin sa higpit ng mga kawal sa palasyo. Hindi sila nagpapapasok kung hindi naman iniimbitahan ng hari.

Hinihiling ko na sana ay makita ko na lamang siya sa daan o di kaya'y masumpungan sa labas ng palasyo ngunit ako'y nabigo.

Sa katunayan ay iilan pa lamang ang nakakakita sa mukha ng hari. Ayon sa aking naririnig ay hindi daw ito mahilig lumabas kung kaya't wala pang nakakasumpong sa kaniyang mukha. Ang mga opisyales lang ng kaharian at si ama ang nakakakita sa hitsura ng hari.

Kilalang manggagamot si ama at siya ang naatasang manggagamot ng palasyo kaya't nakakapasok siya sa palasyo.

"Ilang beses mo na ba iyang tinatanong sa akin, anak?"- natatawang giit niya.

Nahihiya ko siyang nginitian. Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng naitanong yun sa kaniya ngunit palaging iisa ang kaniyang sagot.

"Makikilala mo din ang mahal na hari."- muli niyang sagot na palagi kong naririnig sa tuwing iyon ang aking tanong.

Napanguso ako. "Ama, sabihin mo na sa akin."- pagsusumamo ko.

Natawa muli siya at napailing.

"Hindi mo ba maantay ang pagkakataon na makita siya? Tayo'y patungo na sa palasyo, ano pa't nagtatanong ka diyan kung masusumpungan mo naman ang mahal na hari mamaya."- paliwanag niya at inayos ang suot na barong.

"Ama, ako'y hindi na makapaghintay. Ako'y kinakabahan din."- pagsasabi ko ng totoo.

Natawa siya na para bang may ginagawa akong nakakatawa. Inabot niya ang aking palad upang ako'y kalmahin.

"Ika'y huwag mag alala. Ikaw ang pinaka magandang binibini kung kaya't tiyak na mapapansin ka agad ng mahal na hari."- nakangiting pagpapagaan niya saking kalooban.

Napangiti ako sa sinabi ni ama. Kahit papano ay nawala ang kabang aking nararamdaman.

Ngayon ang pinakahinihintay na kaarawan ng mahal na hari ng VillaValencio. Ngayon din nabigyan ng tyansa ang mga mamamayan na makapasok sa palasyo at makita ng personal ang hari.

A Journey To VillaValencio (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon