| 20 |
•~•
Hill's POV
"Kamusta na pala si amante at ang nanay niya?"- tanong ko kay heis habang nakatambay kami sa library ng palasyo.
Wala si kiro, cliff at aki dahil sinama sila ni prinsipe harvey sa pamilihan. May inutos daw ang mahal na hari sa kaniya at sinabi ding samahan siya ng mga kaibigan naming lalake. Hindi nga lang nito binanggit kung ano ang gagawin nila.
"Mabuti naman ho ang kalagayan nila ate. Sa katunayan, pinalipat na namin sila ng tahanan dahil masyadong malayo ang tahanan nila at baka maulit ang insidenteng yun."- nakangiti niyang tugon habang nagbabasa ng libro.
"Nasan ang tatay niya? May kapatid ba si amante?"- tanong ni gabby habang nakapangalumbabang nakatitig kay heis. Nasa harapan niya ito samantala magkatabi naman kami ni heis.
"Ayon kay ginoong amante, namatay ho daw ang ama niya ng minsan itong mangaso. Bata pa lamang ho ito ng mamatay siya."- kwento niya habang nanatili ang paningin sa binabasa.
"Paano nga ba namamatay ang mga bampira?"- nagtataka kong tanong.
"Sa pamamagitan po ng pagtanggal ng ulo."
"So totoo pala yung napapanuod ko."- bulong ni gabby.
"Wala na ba? Yun lamang ba?"
Napaisip si heis atsaka napatingala pa sa kisame bago lumingon kay gabby.
"Kung minsan ho, namamatay ang mga bampira sa sumpa. Sa tingin ko ho mga makakapangyarihang mangkukulam lamang ang nakakagawa nun. Isa din hong dahilan ay kapag nauubusan sila ng dugo dahil sa kanilang mga kapareha."- paliwanag niya.
Napanganga si gabby at maarteng nagtakip ng bibig.
"Talaga? Ibig sabihin, kung masobrahan sa pagsipsip ng dugo ang kapareha nito, may posibilidad na mamatay siya? Wow. I never thought about that. Paano naman nangyayari yun? Wala ba silang kontrol sa sarili?"- naguguluhan niyang tanong.
Napaisip naman ako sa narinig.
"Siyang tunay ate. Nakokontrol naman ng bampira ang kanilang pagsipsip sa kanilang kasintahan. Ngunit may usap-usapan nuon na may namatay na bampirang babae dahil naubos lahat ng kapareha nito ang kaniyang dugo kaya ito'y namatay. Mula nuon ay naging maingat na ang mga bampira sa pagsipsip ng dugo sa kanilang mga kapareha."- pabulong niyang kwento na para bang may sikreto siya na kami lang dapat ang nakaka alam.
"Talaga? Bakit daw hindi niya nakontrol?"- curious pa niyang tanong at nag iba ng posisyon.
Sinandal niya ang dalawang siko sa lamesa atsaka dinantay ang baba sa kaniyang mga kamay.
"Paumanhin ngunit hindi ko din alam ate. Walang ding nakaka alam kung sino ba ang lalakeng yun at kung buhay pa ba siya."- tugon niya.
"Hindi mo pa ba nahahanap ang kapareha mo?"- tanong ko naman.
Gulat siyang napatingin sa akin dahil hindi inaasahan ang naging tanong ko. Namula ang pisngi niya kaya natawa kami ng sabay ni gabby.
"Oo nga noh! Hindi pa kayo nagme-meet este nagkikita? OMG! Ano naman kayang itsura niya?"- kinikilig pang tanong nito na mas kinamula ng pisngi ni heis.
"H-hindi ko pa nga ho siya nasusumpungan. Hindi pa din nagkakasalubong ang aming landas kung kaya't naniniwala ako na nasa malayo itong lugar o ang masaklap ho duon ay baka patay na siya."- malungkot niyang wika pero nakangiti pa din.
BINABASA MO ANG
A Journey To VillaValencio (Complete)
Historical FictionWhat happens when a group of friends suddenly disappears in a mysterious town? Meet hill, gabby, cliff, kiro and aki. A highschool student who went to VillaValencio for their history project. As they went there, something unexpected happened to them...