| 03 |•~•
Hill's POV
Ramdam na ramdam ko ang unti-unting paglamon sakin ng tubig pailalim ng dagat. Wala akong makita at maramdaman kundi dilim at ang malamig na tubig saking katawan.
Napatingala ako at may nakitang liwanag na nagmumula sa taas. Akala ko talaga mamamatay na ako pero ng makita ko ang liwanag na nagmumula duon ay buong lakas akong lumangoy pataas. Pilit na inaabot ang liwanag gamit ang kamay kong naka-angat.
Tila namingi ang tenga ko habang nawawalan ng hangin saking dibdib.
Mas binilisan ko pa ang paglangoy ng hindi ko na kayang huminga habang paliwanag ng paliwanag ang aking nakikita.
Abot kamay ko na...
Papalaki nang papalaki ang liwanag na nasa itaas hanggang sa naabot ko ito ng tuluyan.
Napasinghap ako at kumuha ng hangin ng maramdaman kong nasa taas na ako. Bahagyang tinatakpan ng buhok ko ang aking mukha kaya hinawi ko ito.
Bumalik sa maayos ang pandinig ko samantala naluwagan naman ang dibdib ko dahil sa paghinga.
Nang tuluyan na akong makahulma ay napatingin ako sa paligid.
I-ilog?
T-teka....bakit nasa ilog ako?
Nangunot ang nuo ko habang hindi makapaniwala sa nakikita.
Ang naaalala ko, bumubulusok ang sinasakyan naming van pababa sa bangin tapos nahulog kami sa dagat.
Sinubukan naming makalabas sa van habang tuluyan na kaming linalamon ng malamig na tubig pero hindi kami nakalabas at tuluyan na kaming nawalan ng malay.
Hindi dapat ako magkamali. Nalunod kami at hindi na nakaalis pa. Dapat sana patay na kami.
Pero bakit pagmulat ng mata ko ay nasa gitna ako ng tubig at ngayon ay buhay pa din?
At ang isa pang nakakapagtaka ay kung bakit nasa ilog ako?
Napatingala ako ngunit wala akong nakitang bangin. Kabadong linibot ko ang paningin sa buong paligid. Wala ang van na sinasakyan namin.
Tahimik ang buong paligid at tanging huni ng ibon at agos ng tubig ang aking naririnig. Nakakasilaw ang araw na tumatama sakin at napapalibutan ang ilog ng mga naglalakihang puno.
"T-teka..."- bulong ko at napatingin sa araw na tirik na tirik. "L-lunar eclipse kagabi..."- lutang kong bulong.
Kagabi...
Natameme ako sa kawalan at napahilot saking sentido.
Umaga na ngayon.
Naputol ang malalim kong pag-iisip ng maalala ang mga kaibigan ko.
Nanlaki ang mga mata ko at muling linibot ang paningin.
Shit!
"Gabby?!"- sigaw ko habang patuloy ang paglibot ng paningin ko sa buong paligid.
"Kiro! Cliff! Aki! Shit! Nasan kayo?!"- sigaw ko habang halos maluha-luha na dahil sa takot na baka may nangyaring masama sa kanila.
Huwag naman sana...
Napasabunot na lamang ako sa aking buhok habang umiiyak.
"Gabby! Kiro—"
"Fvk!"
BINABASA MO ANG
A Journey To VillaValencio (Complete)
Historical FictionWhat happens when a group of friends suddenly disappears in a mysterious town? Meet hill, gabby, cliff, kiro and aki. A highschool student who went to VillaValencio for their history project. As they went there, something unexpected happened to them...