| 14 |•~•
Hill's POV
"Kung hindi niyo po mamasamain, ako ho sana'y samahan niyo sa tahanan ni maestro julian."- hapon ng sabihin yun samin ni heis.
Magkakasama kami ngayong lima sa hardin habang pinagmamasdan ang ilang paru-parong lumilipad.
"No problem— I mean walang problema. Ano ka ba! Taga bantay mo kami kaya kahit saan ka magpunta, dapat nanduon kami."- nakangiting tugon ni gabby atsaka tumayo na sa pagkakaupo.
Napangiti nang marahan si heis habang magkahawak pa ang kamay niya sa harapan.
Suot niya ay isang baro't saya na kulay asul at napapalamutian ng mga nagkikinangang dyamante. Samantala nakapusod naman ang mahabang buhok niya.
Napangiti ako sa kagandahang taglay niya. Ibang klase talaga ang ganda niya pati ang mga kapatid niya. They all look alike but with different charisma.
"Saan ba yun?"- tanong ko at tumayo na din.
Pinagpagan ko ang suot kong pantalon pagkatapos hinarap ito ng nakangiti.
"Malapit lang po dito ang tahanan ni maestro. Ngayon po kase ang pagsasanay ko ng eskrima."- sagot nito habang nakatingin sakin.
"Eskrima?"- sabay-sabay naming tanong, nakakunot nuo.
Taka namang napatango si heis habang nakatingala samin ni gabby. Ang tatlo namang kasama pa namin ay napatayo na din.
"It means fencing."- saad ni aki habang nakapamulsa.
Napatingin kami saglit sa kaniya bago tumuon muli ang paningin kay heis.
"Nag eensayo ka nun?"- tanong ni kiro habang nakasilip sa likuran namin at nakatingin kay heis.
"Iyon po ang utos ng amang hari. Nag eensayo din ang mga kapatid ko ngunit hindi kami sabay-sabay. Ngayon po ang tinalagang araw ng aking pag eensayo."
I wonder kung bakit nag eensayo pa sila. Pero ng maalala kong sila ay maharlikang pamilya ay agad ko ding naunawaan.
Kailangan pala nilang matuto ng eskrima dahil responsibilidad nila.
"Nakahanda na po ang kalesa. Tara na po."- mabilis siyang tumalikod sa amin at nagsimula ng maglakad nang marahan.
Agad naman kaming sumunod lahat sa kaniya. Paglakabas namin ng palasyo ay nakita ko agad ang malawak na lupain. Sa kalayuan ay kapansin-pansin ang malaking gate at ang ilang kawal na nakabantay.
Sa lawak ng lupain sa labas ng palasyo ay maraming naglalakihang puno sa bawat gilid at iba't-ibang uri din ng mga bulaklak.
Sa gilid ay may isang malaking fountain at sa gitna nito ay isang malaking bulto ng dating hari. Ang kauna-unahang hari ng Villavalencio.
Hanggang ngayon ay nagtataka pa din ako kung paano ito namatay.
Naunang sumakay si heis sa kalesa bago kami sumunod ni gabby. Sa isang kalesa naman nakasakay sina kiro, cliff at aki.
Magkatabi kami ni gabby habang nasa harapan namin si heis.
Sa isang senyas ay umandar na ang sinasakyan naming kalesa. Sa totoo lang ay ngayon lang ako nakasakay dito. Kahit na may mga iilan pang ganito sa panahon namin ay hindi ko nasubukang sumakay.
Tahimik lang kami hanggang sa makalabas kami sa malaking gate. Bumungad sa amin ang malawak at lupang daan.
Sa gilid ay mga palay habang sa kaliwa ay mga puno.
BINABASA MO ANG
A Journey To VillaValencio (Complete)
Fiksi SejarahWhat happens when a group of friends suddenly disappears in a mysterious town? Meet hill, gabby, cliff, kiro and aki. A highschool student who went to VillaValencio for their history project. As they went there, something unexpected happened to them...