| 04 |•~•
Hill's POV
Ang kaninang mayabang at malanding aura ni kiro ay napalitan agad ng takot at gulat.
Muli kaming kumurap-kurap. Pinisil ko na din ang braso ko dahil baka nananaginip lang ako pero ng mapagtanto kong nasaktan ako ay totoo pala ito.
"S-sandali..."- akmang lalapitan kami ng babaeng kabayo ng tumakbo na kaming lahat sa takot na baka kung anong gawin niya samin.
"WAAAAAHHHH!"- sigawan namin habang papasok kami sa gubat kung saan ang daming punong naglalakihan na nakapalibot samin.
Nakarinig kami ng yabag ng kabayo kaya mas lalo pa kaming tumakbo ng mabilis! Baka maabutan niya kami, patay! Mabilis pa namang tumakbo ang mga kabayo!
"MAMAMATAY TAYOOOOOO!"
"HUHUHUHU, AYOKO NG KABAYOOO!"- naiiyak ng sigaw ni kiro na nasa unahan namin. Kulang na lang eh maihi ulit sa kaba.
"Damn it chiu! This is your entire fault!"- galit na sigaw ni cliff na nasa tabi ko na habang patuloy pa din kami sa pagtakbo sa gitna ng kagubatan.
Bawat tuyong dahon at mga sanga na nadadaanan namin ay gumagawa ng ingay.
"It's not my fault! If only I knew—*baaag!*"
Natigilan kaming lahat sa pagtakbo ng may mabangga si kiro dahilan para mapasalampak siya sa lupa.
"Agh!"- daing pa niya habang hawak ang pwetan.
"Anong nangyayari dito? Aking narinig na may sumisigaw."- gulat kaming napatingin sa babaeng nabangga ni kiro.
Hindi man lang ito natumba sa lakas ng impact ng pagkakabangga nila.
Matangkad siya at maputing babae. Parang nasa mid 30's tapos mahaba ang kulay itim niyang buhok. Naka baro't saya ng itim at may talukbong din na kulay itim. Pero hindi maipagkakailang maganda ang mukha niya.
Agad na napa atras si kiro at pinilit na tumayo para lumapit samin.
Napalunok ako ng humakbang ng dalawang beses ang babae ng paabante. Pinagmasdan niya kami isa-isa gamit ang nanunuri niyang mata. Naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit ni gabby sa aking braso.
Umangat ng konti ang ulo ng babae at suminghot na para bang may naaamoy na kakaiba.
"Ibang-iba ang inyong mga kasuotan."- puna niya habang nakatingin sa mga damit namin pagkatapos niyang suminghot.
Maayos itong nakatindig saming harapan habang nakahawak ito sa kaniyang saya.
Naka ripped jeans ako na kulay black. Muscle shirt na kulay white habang may tatak na VANS na kulay itim. Nakablack converse ako na highcut habang naka suot ako ng black na relos.
Samantalang naka jogging pants naman si aki at cliff ng kulay black. Parehas silang nakasuot ng white t-shirt at naka rubber shoes. Fitted naman na pantalon si gabby at color yellow na offshoulder. Nakaflats ito at naka rugged jeans lang si kiro habang may v-neck blue shirt at rubber shoes.
"P-pasensya na po...pero pwede po bang magtanong?"- salita ko dahilan para mapunta sakin ang kaniyang paningin. Napa igtad pa sa tabi ko si gabby dahil sa takot.
"Ano yun, hija?"- walang emosyon niyang tugon.
"A-ahm...is it okay if you can lead us the way to the city?"- si aki na ang nagtanong ng hindi ako nakaimik.
BINABASA MO ANG
A Journey To VillaValencio (Complete)
Ficção HistóricaWhat happens when a group of friends suddenly disappears in a mysterious town? Meet hill, gabby, cliff, kiro and aki. A highschool student who went to VillaValencio for their history project. As they went there, something unexpected happened to them...