Kabanata 48

32 1 0
                                    

| 48 |

•~•



3rd Person's POV


Mula sa sentral, maraming manggagawa ang nagtutulong-tulong sa pagkukumpuni ng mga nasirang gusali.

Ang mga mamamayan ay nagtitipon-tipon upang linisin ang mga kalat sa paligid. Kasama na duon si heis at magdalene na ginagamit ang kapangyarihan upang mas mapadali ang kanilang trabaho.

Samantala sina prinsipe marcelo at harvey naman ay kasama ang mga kawal sa paglilibot upang maging bantay sa bayan at maiwasan muli ang kaguluhan.

Ang hari naman ay nagpresintang lumabas ng bayan upang pamunuhan sila bernardo sa pakikipagkalakan ng mga produkto sa kabilang bayan.

Dahil dun ay iilang kawal, katulong at si reyna veronica lamang ang natitira sa palasyo.

Alas siete na ng gabi nang maisipan ng mga prinsesa na magligpit na at magpahinga. Isa-isang nagsiuwian ang mga manggagawa pati na din ang mga mamamayan na tapos na sa paglilinis ng kalsada.

Marahang umihip ang pang gabing hangin. Unti-unting nagpapakita ang bilog na buwan na siyang nagbibigay liwanag sa buong lugar.

Napatingala si heis at pinagmasdan ang magandang buwan at mga bituing nakakalat.

"Ikaw ay pagod na ba?"- tanong ni magdalene sa kaniyang kapatid.

Parehas silang nakasuot ng puting longsleeve button down, maroon na vest, itim na pantalon at bota. Ang kanilang buhok ay nakatali.

"Hindi lang maganda ang aking pakiramdam."- iling ni heis at napabuntong hininga.

"Kung ganun, nasan na ang iyong kapareha?"- taas kilay na tanong ni magdalene at naupo sa isang malaking bato.

Hinihintay nila ang kanilang kalesa dahil susunduin sila ng mga kawal galing sa palasyo.

"Siya'y nauna na ate. Batid kong pagod din siya kaya't pinauna ko na siyang umuwi."- marahang sagot nito at tumabi kay magdalene.

"Hindi maginoo."- irap ng nakakatandang prinsesa.

Napanguso si heis sa narinig ngunit pinili na lamang na hindi magsalita.

Natahimik ang pagitan nila nang pagmasdan nila ang sentral na unti-unti ng bumabalik sa dating ayos.

"Ate, hindi mo ba natanong sa iyong sarili kung bakit yun nagawa ni haring arthemus?"- kapagkuwa'y tanong ni heis habang nakayuko at pinaglalaruan ang kaniyang mga daliri.

Natigilan si magdalene dahil sa hindi inaasahang tanong ng nakababatang kapatid.

Tumingin siya sa katabi at napabuntong hininga.

"Ako man ay hindi batid kung bakit niya yun ginawa. Ngunit isa lamang ang sigurado ako."- sa unang pagkakataon ay napangiti ng marahan si magdalene.

"Minahal niya si Sarriana."- bulong niya habang nakatingala sa kalangitan.

Natigilan naman si heis sa narinig at bumaling sa kaniyang ate. Puno ng lungkot ang mga mata nito kahit na may ngiti sa kaniyang labi.

A Journey To VillaValencio (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon