| 49 |
•~•
Hill's POV
Natigilan kaming lahat sa pagtakbo ng malakas na sumabog ang palasyo.
Lahat kaming nasa labas ay tumilapon sa iba't-ibang parte ng lugar dahil sa impact at hanging hatid ng pagsabog.
"Haa...haaa..."- namumutlang napatingala ako sa palasyong unti-unting nagigiba at tinutupok ng malaking apoy.
Tila namingi ang tenga ko at bumagal ang paligid. Tanging ang kabog ng puso ko ang nararamdaman ko at ang malalim na paghinga.
Nablangko ang isip ko at natulala sa trahedyang nangyari sa harapan ko.
"INAAAAAA!"- narinig kong sigaw ni heis at magdalene habang umiiyak at tinatawag ang reyna.
Si prinsipe marcelo na pinipigilan si harvey na tumakbo papasok sa loob, nagbabakasaling mailigtas pa ang reyna.
Si gabby na napasigaw sa gimbal at gulat at si kiro nakatakip ang bibig habang may nanlalaking mata.
"Haa...haa..."- napaluhod ako sa lupa at kumapit sa dibdib kong naninikip.
Nanginginig ang buong katawan ko sa takot at nahihirapan akong makahinga dahil sa itim na usok. Pakiramdam ko'y masusunog ang buong katawan ko sa init na nanggagaling sa sunog.
"H-hindi ito maaari....w-wala si ina sa loob!"- umiiyak na tanggi ni prinsipe harvey habang pilit na kumakawala sa kapit ni marcelo.
Samantala tahimik lamang na lumuluha si marcelo habang mahigpit na nakayakap sa kaniyang kapatid.
"Ina!"- humahagulgol na tawag ni heis habang nakaluhod sa lupa at nakatanaw sa palasyong unti-unti ng kinakain ng apoy.
No. This is not happening. She's not dead yet.
Nakausap pa namin siya nuon. Nasaksihan ko pa kung paano siya ngumiti sa amin at kung paano niya kami tignan nang may kabutihan sa mata.
She's still suppose to bring us back. This...this is just a dream. She's still... she's still there.
"Haa...haa..."- tuluyan na akong napahiga sa lupa habang hinahabol ang pag hinga ko.
Napatingala ako sa kalangitan. Wala na ang lunar eclipse. Ibig sabihin tapos na ang digmaan.
Ngunit hindi kami nagtagumpay. Hindi namin nailigtas ang ina ng bayang VillaValencio.
Tuluyan na akong nawalan ng malay habang may tumulong luha sa mga mata ko.
•~•
Lumipas ang isang linggo matapos mangyari ang insidente sa palasyo.
Lahat ng mamamayan ay nakidalo sa pagdadalamhati sa pagkawala ni reyna veronica.
Halos lahat ay hinatid siya sa kaniyang labi na katabi lamang ng labi ng dating hari at reyna.
Sa araw na yun umaayon din ang kalangitan dahil maski ito ay naki iyak sa pagkawala ng reyna.
BINABASA MO ANG
A Journey To VillaValencio (Complete)
Historical FictionWhat happens when a group of friends suddenly disappears in a mysterious town? Meet hill, gabby, cliff, kiro and aki. A highschool student who went to VillaValencio for their history project. As they went there, something unexpected happened to them...