| 21 |
•~•
Hill's POV
"Anong ginawa niyo sa pamilihan?"- tanong ko sa tatlo ng maalala na wala pala sila kahapon dahil kasama nila si prinsipe harvey.
Nanatiling magkatabi si heis at gabby habang abala sila sa pagbuburda samantala nakahiga naman sila kiro at cliff sa damuhan.
Si aki naman ay nakasandal sa puno habang gumuguhit sa sketch pad na dala. Kasalukuyan kaming nasa garden ng palasyo. Hapon na kaya naisipan naming tumambay dito dahil wala na ang init.
"Nakwento samin ni boss harvey tungkol sa nahuli nilang bampira. Naalala mo yung kaso ni amante? Nakatakas yung dalawa pero nahuli nila yung isa."- panimula ni kiro habang ang mga kamay ay nasa ulunan at ginawang unan.
Boss harvey? Tss, tss. Kailan pa niya tinawag na boss ang prinsipe?
"Anong tungkol duon?"- naiintriga kong tanong.
"Marami daw silang mga kasama na gumagawa nun. Hindi lang yun! Kung hindi lang sana daw tayo nangialam tungkol sa kaso ni amante, baka nadakip na din nila ito. Wala daw talaga silang balak na ibalik ang kaniyang ina. Ginawa lang nila yung patibong para dakpin din si amante at kuhanin na din ang salapi."- kwento pa niya habang pinapanuod ang paa niyang nakasandal sa tuhod niya.
Nangunot ang nuo ko at mas lalo pang na curious sa kwento niya.
"At bakit naman sila nangdadakip ng mga kalahi nila?"- naguguluhan kong tanong.
Kumibit balikat si kiro saking tanong. Senyales na wala din siyang alam at limitado lang ang mga impormasyon na binibigay.
"Kaya nga pumunta kami sa pamilihan para magtanong-tanong kung kailan pa nangyayari yung kidnappan na yan. Psh. Bakit kase walang nagsusumbong diba?"
"Baka natatakot lang sila."- komento ko at napahalukipkip. Nanatili ang mga paningin ko sa kawalan.
"Those are fools."- saad naman ni cliff na nanatiling nakapikit ang mga mata. Akala ko natutulog siya. Yun pala nakikinig sa usapan naming dalawa.
"They should be telling what's happening so that the palace would know what they need to do."- nababagot pa niyang dagdag.
Napatango-tango naman si kiro.
"Kaya nga. Anong silbi ng mga kawal at nakakataas kung wala naman silang naitutulong?"- sang ayon naman niya.
"Shut your mouth chiu."- mabilis kong suway at tinampal siya sa nuo.
"Aray! Masakit yun hill!"- daing niya atsaka hinimas-himas pa ang nuong namumula na.
"It's not their fault if they didn't know."- pangaral ko atsaka inilingan siya.
Umismid naman ito.
"I'm just saying the truth."- pabulong niyang asik.
"Still. They can hear you even if you're far away. So if you want to live, shut the hell up."- pinandilatan ko siya ng mata bilang babala.
Ngumuso naman siya atsaka umirap na lang sa akin. Tumagilid din siya ng higa, patalikod sa akin tila naiinis at nagtatampo sa ginawa ko.
Napailing na lamang ako sa ka abnuyan niya. Hangga't maaari ay ayoko ng ma stress pa sa mga kalokohan niya.
"Get away from me bastard!"- singhal ni cliff sa kaniya dahil pagmulat nito ay napansin niya agad si kiro na malapit lamang sa kaniya.
"Tss. Arte mo dude! Parang hindi pa tayo nagkakatabi ah."- asar niya atsaka nagbibirong niyakap ito sa leeg.
BINABASA MO ANG
A Journey To VillaValencio (Complete)
Historical FictionWhat happens when a group of friends suddenly disappears in a mysterious town? Meet hill, gabby, cliff, kiro and aki. A highschool student who went to VillaValencio for their history project. As they went there, something unexpected happened to them...