Kabanata 24

57 3 0
                                    


| 24 |






•~•

Aki's POV


Napalingon silang tatlo sa akin ng sabihin ko yun.

"Kung maliligaw lang naman pala tayo bakit sinubukan pa nating pumasok dito?"- ulit ko at sa pagkakataong yun ay ako naman ang humalukipkip.

"Dahil ito'y kailangan, mababang nilalang."- seryoso at malamig na asik niya.

Napaawang ang bibig ni kiro sa narinig atsaka naglipat ng tingin sakin, kay cliff bago kay marcelo.

Nanatili ang walang emosyon kong mukha at mahinang napa tsk.

Mababang nilalang? Is that what they call to us humans? Such a rude vampire.

I shook my head slowly before straightening my back. Umalis ako sa pagkakasandal atsaka tahimik na sinipa-sipa ang mga dahon sa lupa.

"Ang importante ngayon ay makakuha tayo ng impormasyon ukol sa suliraning nagaganap sa bayang ito."- he added using his authoritative voice.

"Kaya ba kami ang sinama mo dahil kailangan mo ang dugo namin?"- tanong ko habang nanatili ang paningin sa lupa. "—prinsipe?"- dagdag ko pa at tuluyan na siyang liningon.

He remains calm and unmoving as if that didn't surprise him.

"Teka, teka."- biglang singit ni kiro at naglakad papalapit sa akin.

"Anong ibig mong sabihin bro? Anong dugo? Sisipsipin ba niya dugo natin? Ahhhh!"- sumigaw siya sa gulat at napa atras.

Humarap siya kay marcelo atsaka nanginginig itong dinuro.

"Huwag mong sabihin na papatayin mo kami dito?!"- sigaw pa niya.

"What the fvk are you talking about?"- cliff snapped, his two eyebrows are almost meeting.

Lumapit din siya sa amin at hinarap si marcelo.

"Is he trying to kill us?"- baling sa akin ni cliff habang may malalim nang paghinga.

Tsk. Him and his temper.

"He's not trying to kill us."- I finally said while still staring at the prince.

"Kaya niya pina iwan ang kalesa at ang kawal ay dahil alam niyang mawawalan ito ng kontrol kapag naamoy na niya ang dugo natin."- paliwanag ko sa kalmadong paraan.

Natigil ako sa pagsipa sa mga dahon atsaka tahimik na liningon ang dalawa.

"W-what? Anong ibig mong sabihin?"- naguguluhang bulalas ni kiro.

Cliff frustratingly combed his hair while kiro is looking at me questioningly.

"Kaya siya ang kasama natin ngayon ay dahil bukod sa kaniyang mga kapatid, nakakaya niyang kontrolin ang sarili kapag nakaka amoy siya ng dugo ng tao. Upang matawag natin ang atensyon ng mga lobo ay kailangan nilang maka amoy ng dugo. Hindi sa bampira at iba pang nilalang kundi sa dugo ng hayop o tao mismo."- mahabang paliwanag ko.

Napanganga na lamang ang dalawa sa narinig habang hindi makapaniwalang nakatitig sa akin.

"Mahusay."- komento ni marcelo kaya napunta muli ang atensyon namin sa kaniya.

Nakangisi na ito at nakatitig sa akin.

"Ika'y may taglay na katalinuhan, mababang nilalang."- dagdag pa niya.

Iritado akong nagbuntong hininga. I hate what he just called me.

"K-kailangan ba talaga yun bro? Pano kung lobo naman ang makapatay sa atin? I am still young and there are still lot of things I want to do! I haven't even dated a model and a miss universe!"- he growled in annoyance before crossing his arms.

A Journey To VillaValencio (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon