35

86 9 5
                                    

Third Person POV

Mahigit isang oras ang nakalipas bago tuluyang lumabas si Aera sa banyo. Inakalang naghihintay si Ian sa kuwarto ngunit mag-isa lamang siya.

Natigilan siya nang makita ang isang puting bestida na nakalapag sa kama.

Hindi niya inakalang magsusuot siya ng isang damit na tila para lamang sa pangkasal. Kahit hindi katulad sa gown, hindi siya umasa na magsuot ng marangya dahil ang mahalaga sa kaniya ay maging asawa ni Ian.

"Ang ganda naman nito." Komento ni Aera habang hinahaplos ang puting bestida.

Tila hindi siya makapaghintay na suotin ang damit, kaya't agad naghanap ng damit na panloob.

"Nasaan ang susuotin kong panty?" Aera

Naghanap siya ng damit na susuotin sa panloob. Kinuha niya ang bestida dahil nagbabakasakaling natabunan lamang.

"Hala?!" Aera

Hindi makapaniwala si Aera dahil wala siyang nakita na panty sa kama. Maski sa loob ng kumot ay walang nakita.

Napakamot siya sa buhok dahil problemado pagdating sa susuotin na panloob.

"Nagbigay ng dress pero walang panty." Reklamo ni Aera.

Wala siyang balak maghanap sa aparador dahil panay damit lamang ni Ian ang nilalaman nito.

"Alam ba ni Ian na wala akong susuotin na panty?" Tanong ni Aera nang suotin ang bestida.

Maski ang pantakip sa dibdib nito ay walang nakita. Tila hindi niya kayang magsuot ng dress na walang pantakip sa kaniyang pribadong katawan.

Tiningnan niya ang kaniyang sarili sa isang salamin na tila imahinasyon niya lamang. Napasimangot si Aera dahil may posibilidad na malayo ang kaniyang hitsura sa imahinasyon kumpara sa reyalidad.

"Walang panty at bra, pati ba naman ang salamin. Paano ko aayusan ang pagmumukha ko? Nakakahiya naman kung ikakasal ako sa isang prinsipe habang ganito ang pagmumukha ko." Aera

Padabog na binuksan ni Aera ang pinto at lumabas sa kuwarto. Tila hindi maganda ang timpla ng mukha ni Aera dahil bukod-tanging bestida lamang ang kasuotan niya.

Maski ang sapatos ay pinagdamot sa kaniya. Mayroon siyang sapatos na suot nang dumating siya sa kaharian ni Ian ngunit hindi magandang terno sa kaniyang damit. Bukod pa rito, kasal ang pupuntahan niya at hindi ang digmaan.

Nakarating si Aera sa unang palapag. Walang nadatnan na magandang nilalang na naghihintay sa kaniya.

Napagdesisyunan niyang pumunta sa kuwarto ng mga katulong upang kumuha ng damit na panloob. Nagbabakasakaling makakita ng sapatos kahit simple lamang.

Tuluyang nakarating si Aera sa kuwarto ng isang katulong. Naghalukat ng mga gamit sa maliit na aparador upang hanapin ang panloob na damit.

Nakahinga siya ng maluwag sapagkat nakakita siya ng damit na panloob na tama lamang sa kaniyang pribadong katawan.

Hindi niya inayos ang mga damit na ginulo at hinayaan na lamang sa loob ng aparador. Lumabas siya sa kuwarto at agad sinarado bago lumingon sa likod.

"Ay may guwapo!" Sigaw ni Aera habang nakahawak sa dibdib nito.

Hindi niya inaasahan na nasa likuran niya lamang si Ian na kasalukuyang maayos ang pananamit at ang mukha nito.

Reincarnated As An Illegitimate PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon