30

142 9 0
                                    

Alice's POV

"Ang sakit ng aking tiyan." Ian

Napapikit ako dahil hindi ko kayang makita na nahihirapan si Ian dahil sa kaniyang nararamdaman ngayon.

Kasalukuyang nakayakap pa rin sa kaniya upang takpan ang nagagalit na dragon sa loob ng pantalon nito. Hinahaplos niya ang aking buhok at tila pinaglalaruan ang mga bulaklak na ginawang sprinkles.

Hindi pa rin kami umalis dahil ayokong gumalaw upang hindi makita ang pinagdadamutan ko sa mga kababaihan na mukhang impakta.

Tumingala ako upang silipin ang kaguwapuhan ni Ian.

"Ano ba ang dapat kong gawin?" Tanong ko habang nakanguso sa harap niya.

Nagkibit-balikat si Ian. Ibig-sabihin, parehas kaming walang alam na paraan upang mapawi ang mainit na naramdaman sa kaniyang katawan.

Kung tutuusin, may isa pang paraan ngunit ayoko naman ituro sa kaniya dahil halatang inosente.

"May alam ako na kailangan mong gawin upang mawala 'yan."

Natigilan siya sa paghaplos ng aking buhok habang nanatiling nakatitig sa aking mga mata.

"Ano?" Ian

Sabihin ko ba? Mas lalo siyang mahihirapan kung walang gagawin na paraan.

Kung sasabihin ko sa kaniya, mababawasan ang pagiging inosente at paniguradong uulitin niya.

Hindi ko kayang makita na nahihirapan si Ian dahil lamang sa kagagawan ko.

"Alice.." Ian

Nakabalik ako sa wisyo nang maramdaman ko ang paghaplos sa aking pisngi.

"Kaya mo bang ipasa sa akin ang iyong nararamdaman?"

Imbes na sumagot, tila kumurap lang siya ng dalawang beses habang nakatitig sa kagandahan ko.

"Ipasa mo sa akin."

"Ayoko." Ian

"Ipasa mo na upang hindi ka mahirapan."

"Ayoko." Ian

Ayan na naman siya. Kapag hindi niya nagustuhan, walang pag-asa na magbabago ang kaniyang isip.

"Isa."

"Dalawa." Ian

Ang tigas nga ng ulo sa baba, pati ba naman sa taas ay sumabay pa.

"Wala kang halik mula sa akin."

Akala ko ay magsasalita siya ngunit tinitigan niya lang ako.

"Ian, sundin mo na lang ang gusto ko. Ipasa mo sa akin upang hindi ka na mahirapan dahil hindi ko kayang makita na ikaw lang ang may ganiyang sitwasyon. Ibigay mo na sa akin."

"Ayoko." Ian

AAAAH! ANG TIGAS MO TALAGA!

"Kukurutin ko ang egg-log mo." Banta ko habang nakahawak sa kaniyang katawan na malapit sa tinutukoy ko.

"Sige." Ian

Wot? Pumayag siya?! DAPAK?!

"Huwag na maging matigas ang ulo. Kapag ako nainis, maghuhubad ako sa harap ng mga tao."

Reincarnated As An Illegitimate PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon