Alice's POV
"Hindi dapat ganiyan. Parang pinipilit mo ako." Reklamo ko habang nakakunot ang aking noo.
"Pakasalan mo ako." Ian
"Umayos ka, Ian. Wala akong panahon para magbiro."
"Isa." Ian
Aba?! Binilangan pa niya ako para lang matakot sa kaniya.
"Pagdating sa ganiyang bagay, hindi mo maaaring pilitin ang isang katulad ko na maganda. Kailangan mong tanungin kung papayag ba ako na pakasalan ka."
"Bakit kailangan pa tanungin?" Ian
"Upang malaman mo kung papayag ako na maging iyong asawa."
Mula sa walang emosyon, napalitan ng malungkot na reaksyon.
"Inakala ko na mahal mo rin ako, kaya't hindi na ako nagtanong." Ian
Asyumero rin pala ang prinsipe na 'to pero sa totoo lang, gusto ko rin siya. Masyado lang pabebe para makita ko kung ano ang gagawin niya.
"Paano mo malalaman kung buong puso na tinanggap ko ang iyong kagustuhan na pakasalan ka? Ayokong masaktan ang isang katulad mo na walang ginawa kundi ay magpakita ng kabutihan. Kung tutuusin, hindi mo dapat ginagawang laro ang pag-alok ng kasal sa isang tao. Kailangan mong pag-isipan kung ako ba talaga ang dapat mong mapangasawa. Ayokong pagsisihan mo sa oras na naging mag-asawa tayong dalawa. Parehas tayong mahihirapan at masasaktan."
Balak niya akong yakapin, kaya't lumayo ako habang umiiling.
"Pasensya na, Ian." Saad ko sabay iwas ng tingin.
"Ayaw mo?" Ian
Gusto ko. Masyado lang maarte.
"Masyadong mabilis ang panahon para gawin ang bagay na 'yan. Hindi mo dapat ginagawang biro ang pag-alok ng kasal sa isang katulad ko."
"Ayaw mo nga." Ian
Muling nagtagpo ang aming mga mata.
"Ayoko." Tugon ko sabay talikod sa kaniya.
Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na tanggihan ang kaniyang pag-alok.
Kung tutuusin, may nararamdaman ako sa kaniya at gusto ko rin pumayag sa kaniyang pag-alok. Ang nagiging hadlang sa kagustuhan ko ay ang kaba dahil parang may mangyayari na hindi maganda sa oras na naging asawa ko siya.
Ang arte ko dahil naging pabebe na naman.
Napagdesisyunan kong pumasok sa kaharian dahil gusto kong makapag-isip ng maayos.
Gusto ko siyang pakasalan pero nangingibabaw ang pagiging pabebe.
"Aray!" Napahawak ako sa aking noo dahil nauntog sa matigas na bagay.
Kumunot ang aking noo nang makita kong nakasarado ang pinto.
"Hindi ako nagbibiro, Alice." Ian
Alam ko, Ian. Naramdaman ko ang tunay na pagmamahal mula sa 'yo.
"Hindi ako katulad ng ibang tao na hindi ginagamitan ng utak. Ako'y handang magpakasal sa'yo ay dahil mahal kita." Ian
Hindi ko alam kung parehas ba tayong nararamdaman ngunit sigurado ako na ganito rin ang naramdaman ko bago nakatuluyan ang dati kong kasintahan.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...