Alice's POV
Hindi ko kayang itago ang pagiging dismayado at hindi makapaniwala habang nakatitig sa kaniyang mga mata.
Hindi ko lubos maisip na magagawa niya sa akin ang isang bagay na maaaring makapatay sa akin.
Napapikit ako nang maramdaman ko ang matinding kirot sa aking baywang dahil walang pakundangan na binunot ang patalim.
Hindi ko napigilan na hindi lumabas ang mga dugo sa aking bibig. Dahan-dahan akong umatras papalayo sa kaniya habang nakatingin ng diretso sa kaniyang mga mata.
Katulad ng dati, wala pa rin bahid na emosyon sa kaniyang mga mata. Para bang hindi siya nasaktan sa ginawa niya sa akin.
Patuloy lamang ako na umaatras papalayo sa kaniya. Sinubukan kong hawakan ang aking baywang, kaya't nakaramdam ng matinding sakit dulot sa pagsaksak ng patalim.
Hindi na bago sa akin ang ganitong naramdaman. Kaya lang ako nasaktan dahil parang gusto akong patayin ni Ian matapos kaming magpakasal.
Ayokong isipin na isa lamang klaseng laro ang mga pinakita at pinaramdam niya sa akin upang sa huli, tuluyan akong mahulog sa kaniyang patibong.
Hindi ako naniniwala na mapapatay ako ni Ian.
Mahal niya ako.
Natigilan ako nang maramdaman ko ang pader sa aking likod. Sinubukan kong huminga ng maayos upang hindi ako mawalan ng buhay.
Ayoko pang mamatay lalo na sa kamay ni Ian.
"Alice..." Ian
Sa simpleng boses ni Ian, para bang nawala ang mga negatibong emosyon sa aking puso.
Ang bukod-tanging ginawa ko lamang ay tumingin sa kaniyang mga mata.
"P---Patawarin mo a--ako." Ian
Mapapatawad ba kita sa ginawa mo? Kung sakali man sabihin mo ang tunay na rason upang ako'y saksakin, magagawa ba kitang mapatawad?
Naalarma ako nang humakbang siya.
"H--Huwag kang lalapit!" Sigaw ko habang nakasandal sa pader.
Hindi niya ako pinakinggan, kaya't patuloy pa rin siya lumalapit sa akin. Tila para akong binigyan ng trauma, kaya't agad gumalaw ang aking mga paa papunta sa pinto.
"Aaaah! Maawa ka!" Pagmamakaawa ko nang yakapin niya ako mula sa aking likuran.
"Pakinggan mo ako." Ian
Mariin akong umiling habang patuloy nagpupumiglas sa kaniyang mga bisig. Hindi alintana ang naramdaman kong sakit sa aking baywang.
"Mahal na mahal kita." Ian
Sa gano'ng klaseng mga salita, tila tagos sa puso. Parang pinapahiwatig sa akin na totoo ang sinabi niya.
"Kung mahal mo ako, bakit mo ako sinaksak?! May gano'ng klaseng pagmamahal ba?!"
"Alam kong naguguluhan ka sa ginawa ko. Ipapaliwanag ko sa'yo sa oras na nangyari ang dapat mangyari." Ian
Nanlaki ang aking mga mata nang mapansin ko na balak niya akong saksakin, kaya't agad kong dinampot ang maliit na vase na naglalaman ng halaman. Bago pa man makatanggap ng saksak mula sa kaniya, agad kong pinalo sa mukha niya.
Tila binigyan ako ng pagkakataon na mabuhay ng matagal dahil nakalaya ako sa mga bisig ni Ian.
"Alice..." Ian
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...