Third Person POV
Napahawak sa ulo si Irabel dahil sa mga problema na tila nadagdagan. Inakala na magiging matiwasay ang pagbalik sa kaniyang mundo ngunit ang inaakala ay palaging nabigo.
Nang mawala ang portal, hindi alam ni Irabel ang gagawin dahil lahat ng mga estudyante ay sumama sa kaniya.
"Nasaan tayo?" Storm
Napagtanto ni Storm na sila ay kasalukuyang nasa hardin.
"Nandito kayo sa aming kaharian." Irabel
Tumango si Storm habang patuloy na sinusuri ang buong paligid ng hardin.
Sa kalagitnaan nito, dumating ang isang babae. Base pa lang sa kasuotan ay mayro'ng mataas na ranggo sa kaharian.
"Anak!" Reyna
Tumakbo ang reyna nang makita niya muli si Irabel. Nang tuluyang makalapit, nakatanggap ng mainit na yakap ang mag-ina sa isa't isa.
"Mabuti naman at nakauwi ka ng ligtas." Reyna
Ngumiti si Irabel habang kaharap sa kaniyang ina.
"Kumusta po kayo no'ng wala ako?" Irabel
"Maayos lang kami dito, anak. Sa katunayan, may dumating na bisita mula sa kabilang mundo. Nagpadala ng mahalagang kasulatan tungkol sa nalalapit na kapistahan." Reyna
"Anong klaseng kapistahan?" Irabel
Ngumiti ang kaniyang ina na may bahid na kalokohan.
"Ano pa nga ba? E di ang Carnival Masks." Reyna
Napangiti si Irabel nang marinig niya ang pangalan ng kapistahan na matagal niyang hinintay. Ang Carnival Masks ay sasapit lamang sa oras na umabot sa kalahati ang araw ng bawat taon.
"Saan po gaganapin?" Irabel
Akmang sasagutin ng reyna ang tanong ng anak, ngunit natigilan nang mapansin niya ang mga hindi inaasahang bisita sa likuran.
"S..Sino sila?" Reyna
Tila ngayon lang napagtanto ni Irabel na kasama niya ang mga estudyante.
"I...Ina, sila'y ang aking mga kaibigan mula sa kabilang mundo." Irabel
"Gano'n ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin na dadalhin mo sila sa ating kaharian? Sana'y nakapaghanda lamang ako para sa kanila." Reyna
Hindi malaman ang sasabihin ni Irabel dahil hindi naman planado ang pagpasok ng mga estudyante sa kanilang mundo.
"Mahabang istorya, Ina." Irabel
Napansin ng reyna na tila problemado ang kaniyang anak, kaya't hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito.
"Sa loob natin pag-usapan ang problema na gumugulo sa'yo. Sa ngayon, bigyan mo ako ng kaunting minuto upang makilala ang iyong mga kaibigan." Reyna
Tumango si Irabel at hinawakan niya ang kamay ng kaniyang ina. Sinamahan niya ang reyna papunta sa mga estudyante.
"Magand---Kristian?!" Reyna
Tila nagulat ang reyna nang masilayan niya ang isang prinsipe na matagal nilang hindi nakausap.
Yumuko si Krist bilang pagpapakita ng respeto kahit parehas silang kilala sa pagiging maharlika.
"Kinagagalak ko na ikaw ay muling nasilayan." Krist
Hindi mawala ang magandang ngiti sa labi ng reyna habang sinusuri ang mukha ni Krist.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...