Third Person POV
Mahigit dalawang oras ang lumipas nang makarating sa Clopta. Pagpasok ng mga karwahe sa bayan, mabilis nakuha ang atensyon ng mga tao.
Ang iba ay nagtataka sa biglaang pagdating ng mga karwahe. Mayroong napaatras sa takot dahil lumabas sa isip nila ang mga maharlika.
Karamihan sa kanila ay nagtataka dahil hindi nila malaman ang rason upang ang mga maharlika ay pumunta sa kanilang bayan.
Ang bukod-tanging ginawa nila ay pagmasdan ang mga karwahe na patuloy sa pagtakbo.
Wala silang ideya kung sino ang nasa loob at hindi alam kung saang lugar ang pupuntahan.
Samantala, mula sa loob ng pangalawang karwahe. Naroon ang tatlong estudyante.
Kanina lamang ay nakatanaw si Eria sa bintana ngunit bago sila makarating sa Clopta, agad sinarado ni Aeris na walang pasintabi.
Hindi na lamang nagtanong si Eria dahil halatang seryoso ang prinsipe. Nakaupo siya malapit sa bintana. Katabi naman niya si Aeris at nasa kabilang dulo si Storm, kaya't nasa gitna ang prinsipe.
"Paano kung nakaharap natin ang diwata? Ano ang una mong gagawin?" Biglaang tanong ni Storm.
"Kailangan niya akong dalhin sa lugar na kung saan dinala si Aera." Aeris
"Paano kung hindi pumayag?" Storm
"Subukan niya lang." Aeris
"Sasama ako." Eria
Napalingon ang dalawang lalaki sa dalaga.
"Huwag na. Maghintay na lang kayo sa labas." Aeris
"Gusto kong makita si Aera." Eria
"Makikita mo siya sa oras na ako'y nakabalik." Aeris
Umiling si Eria na para bang nagmamatigas.
"Sasama pa rin ako. Kailangan may kasama ka kung sakaling may halimaw na nakabantay sa lugar na 'yon." Eria
"Huwag na maging matigas ang ulo. Kakagaling mo lang mula sa lason na nakuha mo. Gusto mo naman ng panibagong sakit." Aeris
"Wala akong pakialam kahit mag-agaw buhay pa. Ang mahalaga ay mabawi natin si Aera na walang galos sa kaniyang katawan." Eria
Bumuntong-hininga si Aeris dahil wala na rin siyang magagawa. Sumulyap siya kay Storm na kasalukuyang nakikinig lang sa kanila.
Nagkibit-balikat ang kaniyang kaibigan at nanatiling tahimik.
Pagkalipas ng sampung minuto, nakarating sila sa dulo ng Clopta. Naramdaman nila na tumigil ang karwahe, kaya't sumilip ang iilan sa kanila sa bintana.
Ang unang bumungad kay Storm ay ang mga matataas na puno. Bukod-tanging hangin lamang ang maririnig at walang katao-tao.
Napansin niyang bumaba sila Jae, kaya't bumalik siya sa loob.
"Mukhang nandito na tayo." Storm
Bumaba na rin silang tatlo sa karwahe. Kasalukuyang sinusuri ang paligid upang alamin ang lugar na kanilang kinatatayuan.
Lahat sila ay nasa labas habang binabalot ng katahimikan. Nanatili ang kanilang karwahe sa gilid.
Lumingon si Storm sa prinsesa na kasalukuyang may hinahanap sa mga puno.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...