Third Person POV
Natigilan ang mga tao nang masaksihan nila ang pagdanak ng mga dugo ni Krist mula sa leeg. Tila naging misteryoso sa kanila ang pagkaroon ng mahabang hiwa sa leeg ng prinsipe dahil wala silang napansin na isang tao na siyang naglakas-loob na saktan ang prinsipe.
Walang gusto lumapit sa prinsipe na kasalukuyang nakapikit habang nakaluhod sa lupa. Walang gusto maglakas-loob na tulungan ang prinsipe dahil natatakot sila na malaman ng reyna ang ginawang paglapit kay Krist.
Bukod pa rito, may iilan na hindi mawari ang magiging desisyon dahil patuloy pa rin nagsisigawan ang mga tao sa unang bayan.
Karamihan sa kanila ay natatakot dahil ang kanilang naririnig na sigawan ay tila may kaakibat na takot.
Ilang sandali, may iilang tao na tumakbo papunta sa pangalawang bayan. Bago pa man makapasok sa linya, agad silang naputulan ng ulo.
Sa bawat tao na malapit na pumasok sa pangalawang bayan, agad pinapatay na siyang nagbigay ng kilabot sa mga naging saksi sa nangyari.
Ang naging resulta nito ay ang pagtakbo ng mga tao upang lumayo sa mga hindi makilalang nilalang na naghahasik ng lagim sa kanilang bayan.
Ang iba sa kanila ay pumunta sa sariling bahay upang magtago sa mga pumapatay. Mayroon din lumayo lamang habang hawak ang kanilang armas. Tila handa silang lumaban kahit malaki ang porsyento na matatalo sila.
Samantala, kasalukuyang nahihirapan si Krist dahil muling nanumbalik ang matinding pagkirot sa kaniyang dibdib habang nakatitig sa isang imahe ng babae.
Isang dalaga na kasalukuyang umiiyak hindi dahil sa takot na naramdaman, kundi dahil nakaramdam ng kirot sa dibdib habang nakatitig sa kaniyang mga mata.
"A...Aera?" Krist
Tila tuluyang naging malinaw ang kaniyang nakikita, kaya't kumpirmadong si Aera ang nakikita niya ngayon.
Ang kaniyang ulirat ay kasalukuyang nasa loob ng isang senaryo. Napansin niya na nakapatong siya sa ibabaw ni Aera.
Hindi niya marinig ang boses ng dalaga ngunit naramdaman niya ang paghaplos sa kaniyang mukha.
"Aera, i---ikaw ba talaga 'yan?" Krist
May sinabi si Aera sa kaniya ngunit walang pumasok sa kaniyang tainga dahil para siyang nawalan ng pandinig.
Sinubukan niyang kontrolin ang kaniyang sarili, ngunit bigla na lamang kusang umalis sa ibabaw ni Aera.
Ang huli niyang naramdaman ay ang pagkirot sa kaniyang ulo bago tuluyang nakabalik sa reyalidad.
Ang unang bumungad sa kaniya ay ang tahimik na lugar. Dahan-dahang inangat ni Krist ang kaniyang paningin hanggang sa napag-alaman na siya ay nasa ikalawang bayan.
"Nasaan siya?" Krist
Muling napapikit si Krist dahil muling sinakop ng kakaibang enerhiya ang kaunting porsyento ng kaniyang sariling enerhiya.
Wala pang kalahating minuto, naramdaman niya ang pagdating ng mga kaluluwa at tumayo sa kaniyang likuran.
Kinuyom niya ang kaniyang mga kamay kasabay nang paggapang ng mga kakaibang ugat na kulay-asul na nagmula sa kaniyang mga mata na kulay-ginto.
"Ituro mo sa akin." Krist
Muling napapikit si Krist dahil sa biglaang paglabas ng isang imahe ngunit agad nawala.
"Pilitin mo." Krist
Muling sumulpot ang isang imahe ngunit agad na naman nawala na tila may pumipigil sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...