36

67 6 1
                                    

Third Person POV

Kasalukuyang naglalakbay ang mga estudyante papunta sa dulo ng bayan. Nabanggit ni Irabel sa kanila na maaari silang lumagpas sa nasasakupan ng kaharian, ngunit ang bukod-tanging daanan ay ang dulo ng pangatlong bayan.

Mahigit kalahating oras ang nakalipas habang patuloy silang naglalakad sa pangalawang bayan. Matapos ang kanilang pagtitipon, sinubukan nilang hintayin si Krist ngunit wala pa rin silang balita sa paggising ng prinsipe.

Napagdesisyunan nila na hindi isama si Krist dahil sa matinding pagod na naramdaman pagtapos ng kaganapan. Hindi rin sumama si Irabel dahil gustong hintayin na magising si Krist.

"Gaano ba kalawak ang kanilang mundo?" Eria

"Wala akong ideya. Hindi ko pa nasubukang lumabas sa nasakupan ng kaharian." Aeris

Maski ang iba nilang kasama ay walang ideya, kaya't blanko pa ang kanilang isip na dapat ay nakaukit na plano tungkol sa paghahanap sa prinsesa.

"Bakit hindi natin isama si Beyang?" Storm

Nanatiling diretso ang paningin ni Aeris sa daanan. Samantala, ginagala ni Eria ang kaniyang paningin na tila sinusuri ang paligid.

"Ilalagay mo ang batang babae sa delikadong sitwasyon. Nag-iisip ka ba, Storm?" Tanong ng kaibigan ni Jae.

"Marami naman tayo upang protektahan siya." Storm

"Hindi maaaring mangyari ang iyong kahilingan. Hindi naman sa magiging pabigat ang batang babae kundi mahihirapan tayong lumaban sa mga halimaw kapag kasama natin ang isang tao na walang kapangyarihan." Aeris

Magsasalita sana si Storm ngunit inunahan siya ng katabi niya.

"Oo nga. Kung tutuusin, nahirapan ako na makipaglaban sa halimaw na nakasagupa namin sa Birne. Halos malapit na akong mamatay. Paano pa kaya kung ililigtas ko ang buhay ng bata?" Saad ng lalaki.

"Nahirapan ka dahil hindi ikaw si Aeris o si Jae. Akala mo ba, kapantay natin lahat ng mga halimaw?" Storm

Imbes na magalit ang lalaki dahil minaliit siya, tila sumang-ayon pa.

"Tama ka. Ikaw na nagsabi na hindi natin kapantay ang lahat ng halimaw, kaya't huwag na isama ang batang babae." Lalaki

Napakamot si Storm dahil nakangisi ang kasama niya.

"Huwag na tayo magdala ng iba pang kasama." Aeris

Hindi na muling nagsalita ang isa sa kanila hanggang sa tuluyang nakarating sa pangatlong bayan.

Ang unang bumungad sa kanila ay ang mga tao na tila abala sa kanilang ginagawa ngunit ang pagkakaiba sa pangatlong bayan ay ang mga boses na tila dinaig sa palengke.

Mas maraming tao sa pangatlong bayan kumpara sa dalawang bayan. Walang pinagbago pagdating sa mga pamilihan dahil hindi mawawala sa bawat bayan.

Habang naglalakbay sila, hindi maiwasan ng mga tao na lumingon sa kanilang direksyon. Karamihan sa kanila ay naging pamilyar ang paningin dahil minsan na nilang nakita ang mukha ng mga estudyante.

"Para tayong artista na kulang ay pagkaguluhan ng mga kababaihan." Storm

Napailing ang kasabay ni Storm habang iniiwasan ang mga mata na nagmula sa mga tao.

"Hindi ba nila tayo nakita nang mangyari ang kaganapan? Kung makatingin sila sa atin, parang bago lang sa kanilang paningin." Bulong ni Eria

Reincarnated As An Illegitimate PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon