Third Person POV
Sa loob ng kaharian, naroon ang dalawa sa isang kuwarto. Kasalukuyang nakahalumbaba ang dalaga habang nakadungaw sa bintana.
Nang sumapit ang alas-kuwatro ng hapon, ang bukod-tanging ginawa lamang ni Aera ay manahimik. Simula no'ng umuwi sila, hindi na siya muling nagsalita dahil nagtatampo pa rin sa prinsipe.
Tila inaasar si Aera ng kaniyang sariling utak. Sa pamamagitan nito, pinapaalala sa kaniya ang senaryo na tungkol sa pagpakita ng magandang ngiti ni Ian sa ibang babae.
Ayaw pa rin tumigil ang pagbalik ng alaala na nagbibigay ng galit sa kaniyang dibdib.
Minabuting hindi kausapin ang prinsipe dahil nagtatampo pa rin kay Ian at gusto niya ipakita na siya'y nagselos sa ginawa nito.
"Sana lahat ay nginingitian." Pagpaparinig ni Aera habang masama ang tingin sa mga puno.
Sa tuwing pinapaalala sa kaniya ang nakakainis na senaryo, muling nabubuhay ang galit nito sa dibdib at ang matinding pagkaselos.
"Ang sabihin mo lang, may gusto ka sa babaeng 'yon. Hindi porket malaki ang dibdib, makakalimutan mo na ako. Baka nakakalimutan mo, mas maganda ako sa babaeng 'yon at mas malandi pa ako kesa sa kaniya." Aera
Tila sinasadya ni Aera na lakasan ang boses nito habang kausap ang kaniyang sarili. Gusto niyang iparating kay Ian na hindi niya nagustuhan ang ginawa nito sa ibang babae.
Naghintay si Aera sa magiging reaksyon ni Ian ngunit lumipas na ang ilang minuto, tila siya lamang ang maingay.
Padabog na lumingon ang dalaga sa likuran upang silipin ang prinsipe.
"Ian?" Aera
Imbes na madatnan na kasalukuyang nakahiga ang prinsipe, tila magkasalungat ang inakala dahil ngayon lang napansin na mag-isa lamang siya sa kuwarto.
Tumayo si Aera habang nakakunot ang noo nito.
"Nasaan pumunta ang bata na 'yon? Hindi man lang nagpaalam sa akin." Aera
Dumiretso siya sa pinto na kung saan matatagpuan ang banyo. Pagkabukas ng pinto, sumilip siya sa loob.
Mas lalong nagtaka si Aera dahil hindi niya makita si Ian sa loob ng banyo.
"Ian!" Sigaw ni Aera.
Walang sumulpot na prinsipe sa harap, kaya't bumuntong-hininga ang dalaga bago pumunta sa kabilang pinto.
Pagkalabas ni Aera sa kuwarto, naglakad siya sa hallway habang nakabusangot ang mukha nito.
Tila iniwan siya ni Ian, kaya't lalong nainis ang dalaga. Bukod pa rito, kanina pa siya umaakto na galit ngunit walang bahid na may pakialam ang prinsipe sa kaniya.
Mahigit dalawang minuto bago tuluyang makarating sa sala na matatagpuan sa unang palapag.
"Ian!" Sigaw ni Aera habang sinusuri ang kabuuan ng sala.
Sa kalagitnaan nito, tumigil ang kaniyang paningin sa pinto at kasunod nito ang pagkurba ng kilay.
Nakita niya si Ian na kasalukuyang hinahawakan ang barrier.
"Ian!" Sigaw ni Aera habang naglalakad papalapit sa prinsipe.
Paglapit kay Ian, hindi pa rin mawawala ang nakakunot nitong noo.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...