Third Person POV
Pagsapit ng gabi, sa kalagitnaan ng mahimbing na tulog ni Aera, tila naalimpungatan siya dahil sa liwanag na nagmula sa buwan. Nang imulat ang kaniyang mga mata, ang unang bumungad ay ang madilim na kuwarto ngunit may kaunting liwanag na nagmula sa bintana.
Kinusot ni Aera ang kaniyang mga mata bago bumangon sa kama. Agad nag-unat ng mga kamay habang nakatulala sa bintana.
"Ian?" Aera
Walang natanggap na tugon mula kay Ian, kaya't lumingon ang dalaga ngunit hindi niya makita ang katawan ng prinsipe.
Sinimulan ang pagkapa sa kama upang mahanap si Ian. Sa kalagitnaan nito, natigilan siya nang mahawakan ang katawan ng isang tao. Hindi lamang isang uri ng katawan na madaling mahawakan.
Hinaplos niya ang matigas na parte ng katawan habang nakangisi na parang nakakuha muli ng biyaya.
Gumapang ang mga kamay nito habang natutuwa ang kaniyang kalandian. Sa kalagitnaan nito, may humawak sa mga kamay niya.
"Aah!" Aera
Nagulat ang dalaga at agad inalis ang kamay na humawak sa kaniya.
"I..Ian, gising ka na?" Paniniguro ni Aera.
Hindi sumagot si Ian bagkus ay muling hinawakan ang kamay ni Aera. Napangisi ni Aera na hinihila ang kamay niya, kaya't muling humiga sa kama.
Nang humiga si Aera, mas lalong lumapit si Ian sa kaniya, kaya't tuluyang nasilayan ang mukha ng prinsipe.
Napalunok si Aera nang magkadikit ang dulo ng kanilang mga ilong sa isa't isa. Naramdaman niya ang hangin na dumadampi sa kaniyang bibig. Sa simpleng paghinga ng prinsipe, tila iba ang epekto kay Aera. Para bang inaakit siya na halikan ang labi ng prinsipe.
Bukod pa rito, pinasok ni Ian ang kaniyang kamay sa loob ng damit ni Aera.
"A..Anong oras na?" Aera
Nanatiling nakapikit si Ian habang hinahaplos ang tiyan ni Aera. Hinintay ni Aera na sumagot ang prinsipe ngunit patuloy lamang hinahaplos ang kaniyang tiyan na tila may iniingatan sa loob.
"Iwanan muna kita dito, Ian. Kailangan kong magluto para may makain ka na." Aera
Naramdaman ni Aera na natigilan ang prinsipe sa paghaplos sa kaniyang tiyan. Hinawakan ni Aera ang kamay ni Ian at dahan-dahang inalis sa ibabaw ng kaniyang tiyan.
Sa kalagitnaan nito, biglang nagtagpo ang kanilang mga mata, kaya't nahawakan ni Aera ng mahigpit ang kamay ng prinsipe.
"Bakit?" Ian
Walang bahid na emosyon sa mga mata ni Ian. Tila bumalik sa dati ang nakagawian nito.
"N..Nagugutom na ako. Kailangan kong magluto para naman hindi tayo mamatay sa gutom." Aera
"Hindi na kailangan." Ian
"Ian, bawal ka magpalipas ng gu---" Aera
"Narito ako, Alice." Ian
Kumunot ang noo ni Aera dahil hindi niya maintindihan ang pinapahiwatig ni Ian.
"Nandito ka nga. Bakit?" Aera
"Maaari mo akong kainin." Ian
Lumayo si Aera dahil muling matitikman ang labi ni Ian.
"Sira! Ano akala mo sa akin? Aswang?" Aera
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...