Third Person POV
Bago pa man sumapit ang alas-otso ng gabi, agad inutusan ng reyna ang mga katulong na puntahan ang mga bisita. Kinakailangan umpisahan ang kaganapan.
Hindi na kayang paghintayin ng reyna ang mga mamamayan lalo na't malapit na sumapit ang malalim na gabi.
Mula sa mga kuwarto, pumasok ang mga katulong upang pagsabihan ang mga mahalagang bisita.
Nang malaman ng mga estudyante ang pinadala na mensahe mula sa reyna, naging doble ang bilis ng kanilang pag-aayos dahil malapit na mag-umpisa ang mahalagang kaganapan.
Mula sa labas ng kaharian, naroon pa rin ang mga mamamayan. Tila hindi mawala ang kasiyahan na kanilang naramdaman dahil sa pagbabalik ng prinsipe.
Mahigit dalawang oras silang naghihintay ngunit hindi sapat para sa kanila upang magreklamo dahil sa katagalan.
Ilang minuto ang lumipas, nakuha ang atensyon ng mga tao dahil sa tunog ng trumpeta.
Mabilis na binalot ng katahimikan habang nakatingin sa balkonahe. Ilang sandali ay lumabas ang isang kinikilalang nilalang na tila bukod-tangi sa lahat ng babae na ka-edad nito.
Napangiti sila nang masilayan ang reyna na siyang nagmumuno sa buong kaharian at ang sakop nito na tatlong bayan.
Karamihan sa kanila ay hindi mapakali na tila gustong matapos ang mensahe na ibibigay sa kanila. Mas interesado ang mga tao na muling makita ang prinsipe.
"Magandang gabi sa inyong lahat. Ako'y natutuwa sapagkat hindi nawala sa inyong alaala ang tungkol sa ating minamahal na prinsipe. Alam kong nagtataka kayo kung bakit matagal nawala ang prinsipe. Huwag natin isipin ang tungkol sa bagay na 'yan. Ang mahalaga ay muli siyang nagbalik upang bigyan tayo ng panibagong alaala." Reyna
Nagsigawan ang mga tao hindi dahil sa takot, kundi sa pagiging masaya. Ang kanilang kinikilalang prinsipe ay muling nagbalik sa kanilang mundo.
Karamihan sa kanila ay nag-uusap sa isa't isa na hindi nawawala ang magandang ngiti sa labi.
Sa kalagitnaan nito, sinenyasan ang mga tao na manahimik dahil sa kasunod na mensahe.
"Para sa aking minamahal na mamamayan, ako'y narito sa inyong harapan upang mag-anunsyo ng isang mahalagang mensahe. Tayo ay magkakaroon ng mahalagang kaganapan sa araw na 'to. Bibigyan ko kayo ng pagkakataon upang makapasok sa aking kaharian. Ito'y may pahintulot mula sa akin na gawin ang mga bagay na nagbibigay sa inyong kasiyahan. Para sa ating mahalagang kaganapan, ito'y nakapaloob ang pagpapakilala ng ating prinsipe. Pangalawa, magkakaroon ng mga iba't ibang palaro, pag-aawit at sayawan. Pangatlo, magkakaroon ng malaking salo-salo kasama ang mga mahalagang bisita at ang nag-iisang prinsipe. Sa pagkakataon na 'to, sama-sama tayong gagawa ng masayang alaala kasama ang ating minamahal na prinsipe." Reyna
Muling binalot ng sigawan na tila nababalutan ng kasiyahan. Hindi mapalitan ng ibang bagay ang kanilang naramdaman nang marinig ang mensahe na tila masarap pakinggan.
"Paalala ko lamang sa inyong lahat, panatilihing maayos ang takbo ng ating kaganapan. Kung kinakailangan ninyong masilayan ang prinsipe habang patuloy nangyayari ang kaganapan, hindi ko ipagdadamutan sa inyo upang siya ay makausap." Reyna
Tila natuwa ang mga kababaihan habang malaki ang ngiti na tila nakapunta sa langit. Halos lahat ng mga kababaihan ay nag-ayos upang magpakitang-gilas sa kanilang prinsipe na tila gustong ibigin.
"Nawa'y maging masaya ang araw na 'to at manatili sa inyong alaala." Reyna
Kumaway ang reyna habang nakangiti sa harap ng mamamayan. Tumalikod na ang reyna at pumasok sa loob ng kaharian.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...