CHAPTER 33

153 7 0
                                    

  "Magbihis ka ng maayos at aalis tayo."

Kumunot ang noo ni Aiden habang nakatingin kay Derek na nakatayo sa kanyang harapan. Nagtataka siya sa sinabi nito.

"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Aiden.

Ningitian ng maliit ni Derek si Aiden. "Malalaman mo rin mamaya," sagot niya sa tanong nito.

Hindi na nagsalita si Aiden at mataman lamang siyang nakatingin kay Derek.

"Sige na at magbihis ka na," utos muli ni Derek kay Aiden habang diretso siyang nakatingin dito.

"Okay." Tumango-tango na lamang si Aiden saka siya tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama.

Nakasunod ang tingin ni Derek kay Aiden na kumuha muna ng masusuot niya mula sa cabinet bago magtungo sa banyo para magbihis. Napahinga siya ng malalim. Nang mawala na si Aiden sa paningin ni Derek ay siya naman ang kumuha ng damit at nagbihis.

"Saan kaya kami pupunta?" nagtatakang tanong ni Aiden na nasa loob na ng banyo.

Nagkibit-balikat na lamang si Aiden saka na niya isa-isang hinubad ang mga suot niya at nagbihis.

---

"Kakapunta mo lang dito sa palengke kahapon, 'di ba? Bakit tayo nandito?" magkasunod na tanong ni Aiden kay Derek. Magkatabi silang nakatayo ngayon sa harapan ng palengke. "May nakalimutan ka bang bilhin?" tanong pa niya.

Tiningnan ni Derek si Aiden. Sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi. "Tara na," pag-aaya na lamang niya saka umiwas ito nang tingin kay Aiden at nauna nang maglakad papasok ng palengke.

Kumukunot naman ang noo at nagsalubong ang makapal na kilay ni Aiden. Puno siya ng pagtataka lalo na at napapansin rin niyang may kakaiba kay Derek ngayong araw.

Nagkibit-balikat na lamang si Aiden saka sinundan si Derek. Habang naglalakad siya sa loob ng palengke ay nagtataka siya kung bakit pinagtitinginan siya ng mga tindero at tindera dito sa loob.

'May dumi ba ako sa mukha?' takang-tanong ni Aiden sa utak niya. 'Naghilamos naman ako kanina kaya sure akong wala,' aniya pa.

Umiling-iling na lamang si Aiden saka iniwas ang tingin sa mga tao na tinitingnan siya at nagpatuloy siya sa paglalakad.

---

Nakatayo na sa harapan ng isang tindahan sila Derek at Aiden. Nanlalaki ang mga mata ni Aiden habang nakatingin sa tindera na nanlalaki rin ang mga matang nakatingin sa kanya. Kahit ang kasama ng tindera ay halatang nagulat nang makita si Aiden.

Tiningnan ni Asha si Derek. Naalala niya iyong sinabi niya ritong huwag sasabihin kung nasaan siya ngunit hindi talaga nito tinupad ang pakiusap niya.

Hindi naman makapaniwala si Aiden na makita si Asha ngayon. Ang tagal-tagal na nilang naghahanap tapos dito lang pala niya ito matatagpuan.

Tiningnan ni Aiden si Derek. "Matagal mo na ba itong alam?" seryosong tanong niya.

Hindi kaagad sumagot si Derek. Tiningnan niya si Aiden. Bumuntong-hininga ito saka umiling-iling.

"Siya na ang magpapaliwanag ng lahat sa'yo," seryosong wika ni Derek saka niya muling tiningnan si Asha na nananatiling nakatingin sa kanya.

Hindi na nagsalita si Aiden at nanatili lamang siyang nakatingin kay Derek habang puno ng kaba ang nararamdaman ng kanyang dibdib.

---

Magkatabing nakaupo sa isang mahabang upuan sina Asha at Aiden na nasa labas ng palengke. Namamayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa simula nang maupo sila dito.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon