CHAPTER 44

90 3 0
                                    

Nagulantang sina Aiden at Derek sa biglaang pagdating ni Esmeralda. Kasama nito si Timoteo at ang dalawang bodyguards na nakatayo sa likod ng ginang. Nakatayo silang lahat malapit sa sala ng bahay.

"Ma, anong ginagawa niyo rito?" nagtatakang tanong ni Aiden na palipat-lipat nang tingin sa mga dumating at pumasok sa loob ng bahay.

Diretsong nakatitig si Esmeralda sa kanyang anak. Seryoso ang mukha nito, bagay na ikinakabog ng dibdib ni Aiden. Si Derek naman ay nakatayo sa tabi ni Aiden at nakatingin lang din sa mga bagong dating.

Namayani ang nakakabinging katahimikan pagkatapos magtanong ni Aiden. Hindi sinagot ni Esmeralda ang tanong ng anak.

Nagkatinginan naman sila Aiden at Derek. Hindi nila alam kung ano ang pakay ng mga magulang ni Aiden sa pagpunta dito kaya sila nagtataka.

Lumipas ang mga minuto ay nagsalita si Esmeralda na ikinagulat ni Aiden.

"Kunin niyo na siya at isakay sa kotse," mariing utos ni Esmeralda sa dalawang bodyguards na kasama nila ng kanyang asawa.

"Yes, Ma'am," magalang na sagot ng dalawa saka mabilis na nilapitan si Aiden na nanlaki ang mga mata.

"Teka..." sabi ni Aiden. "Ano ba ito, Ma?" nagtatakang tanong pa niya.

"Sasama ka na sa amin pabalik sa'tin," madiin na sagot ni Esmeralda habang nananatiling nakatitig kay Aiden.

Hinawakan si Aiden ng dalawang body guards. Si Derek naman ay pinigilan ang mga ito.

"Bitawan niyo-"

"Huwag kang makiealam dito Derek dahil hindi ka bahagi ng pamilya namin," madiin na wika ni Esmeralda habang nakatingin siya sa binata na nagulat naman sa sinabi niya.

"Tita-"

"Akala niyo ba ay hindi namin malalaman?" tanong kaagad ni Esmeralda.

Nakatingin lamang si Aiden kay Esmeralda.

"Kaya hangga't maaga pa ay kailangan nang putulin ang hindi dapat at hindi tama," madiin na sabi ng ginang. "Dapat kang pigilan sa mga kalokohan mo bago pa mahuli ang lahat," aniya pa.

"Ma..." mariing pumapalag si Aiden sa pagkakahawak ng mga body guards sa mga braso niya. Tiningnan niya ang dalawang bodyguard. "Bitawan niyo nga ako!" sigaw pa nito.

"Sumama ka na lang sa'min anak para wala ng gulo," pakiusap naman ni Timoteo kay Aiden.

Napatingin si Aiden sa ama niya. Umiling-iling siya. "Hindi ako sasama sa inyo," matigas na wika niya. "Kayo ang nagdala sa akin rito at nagustuhan ko dito kaya ayoko nang umalis," sabi pa nito.

"'Yun ang malaking pagkakamaling ginawa namin," mariing saad ni Esmeralda. Salitan niyang tiningnan si Aiden saka si Derek. "Napakalaking pagkakamali na pagsamahin kayong dalawa sa iisang bahay," madiin na wika pa nito.

Nagkatinginan sina Aiden at Derek. Nahinuha na nila kung ano talaga ang tunay na dahilan ng biglaang pagparito ng mga magulang ni Aiden.

"Kaya bago ka pa matulad sa kapatid mo na mahirap nang putulan ng sungay, kailangan ka na naming ibalik sa mansyon at doon ipagpatuloy ang buhay mo gaya ng dati," ani Esmeralda sa seryosong himig.

Tiningnan ni Aiden si Esmeralda. Umiling-iling siya ng mabilis. "Ayoko!" mariing pagtanggi niya. "Dito lang ako kasama si Derek," dugtong pa niya.

"Aiden-"

"Mahal ko na siya!" sigaw ni Aiden na ikinalaki ng mga mata ni Esmeralda at ni Timoteo. Ganoon din si Derek na hindi inaasahan na aamin na kaagad si Aiden. "At hindi ko na kayang mawala siya sa buhay ko," dugtong pa nito. "Hindi ko na kayang hindi ko siya makita, makasama, mayakap at higit sa lahat ay mahalikan. Hindi ko na kayang hindi siya maramdaman," aniya pa ng may diin habang titig na titig sa kanyang ina.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon