Ziljian: (Zil-jan) 🤍
Chapter 8
“Why are you staring at me like that?” Nagtaas pa ng kilay si Ziljian. “May dumi ba sa mukha ko?”
Nangalumbaba ako. “Naisip ko lang…”
“Na ano?”
“Hindi ka ba talaga bading, Ziljian?” tanong ko kaya bigla siyang naubo. “Okay lang naman na umamin ka sa ‘kin. Hindi kita huhusgahan…”
“I’m not gay!” inis niyang sambit. “Lalaking-lalaki ako!”
Sumimangot ako. “Pero sa panaginip ko, umamin ka, Ziljian, na bading ka. Torotot pa nga ang gusto mo!”
“That was just a dream, Shara!” singhal niya. “Walang katotohanan ang mga nangyari…”
Tama naman si Ziljian, panaginip lang iyon. Imposible talaga na maging bading siya. Nagawa niya nga akong patulan noong gabing iyon! Hindi naman siya malambot kumilos.
Hindi ako against sa kanila. Sa katunayan, mas masarap pang kasama ang mga bading. May naka-close ako na ka-trabaho ko noon. Si Victor na kung tawagin ay Victoria. Ang saya niyang kasama. Kahit na marami siyang problema, nananatili pa rin siyang positibo sa buhay.
Siya pa ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin. Bigla ko tuloy namiss si Victoria. Wala siyang time makipagkita sa akin dahil sobrang busy niya sa trabaho. Mas may love life pa nga siya kaysa sa akin.
“Hays…”
Nasubsob ko na lang ang mukha ko sa ibabaw ng lamesa. Nandito kami ngayon sa garden. Pagkagising ko pa lang kanina ay nakatambay na agad dito si Ziljian. Wala naman siyang ginagawa kundi ang magbasa ng dyaryo!
May suot pa siyang reading glasses. Kahit iyon ay bagay na bagay sa kanya. Wala na yatang makakapagpapangit pa kay Ziljian! Bawat anggulo niya, perpekto sa paningin ko.
Sa tuwing tititigan ko siya, parang may nagliliparang mga butterflies sa paligid niya. Kumikinang din siya sa paningin ko. Nababaliw na yata ako.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang napanaginipan ko. Lalo na nang sandaling maging ina ako. Buntis ako roon pero parang ang saya-saya ko. Nawasak nga lang ang mundo ko dahil iniwan kaming mag-ina ni Ziljian.
Inamin ko kay Ziljian na si Zera talaga ang kasama ko sa hotel. Sinundo niya pa nga ako. Mukhang nahulaan na niya agad na nagsisinungaling lang ako sa kanya.
Hindi ko magagawang lumandi sa iba! Si Ziljian lang ang target kong landiin.
“Ziljian,” usal ko at hinawakan-hawakan ang mga brushes na nagkalat sa lamesa.
“Hmm…”
“Hindi ka ba nagsasawa sa ugali ko?” tanong ko. “Paiba-iba ako ng mood. Minsan mabait, mas madalas masungit…”
Nilingon niya ako. “Ba’t ko naman pagsasawaan ang ugali mo?”
“Hindi ka man lang naiinis sa ‘kin?” Nag-init ang mukha ko. “Susubukan ko na sanang magbago! Kasi noon pa, marami na ang may ayaw sa ‘kin.”
“Hindi ako naiinis sa ‘yo, Shara,” mabilis niyang sagot. “Don’t change yourself to please everyone. You're perfect just the way you are…”
Naiisip ko lang naman na baka magsawa siya sa ugali ko. Palagi kaming magkasama, baka mapuno siya sa akin. Na dahilan pa para lang umalis siya at iwan ako.
Bakit naman ako natatakot na baka iwan niya ako?! Hindi ko naman siya asawa!
“Alam ko naman," bulong ko. “Pero ang hirap din kapag ayaw sa ‘yo ng ibang tao, lalo na kung wala ka namang ginagawang masama sa kanila.”