Chapter 30
“What?” gulat na tanong ni Ziljian. “Are you serious, babe?!”
I nodded. “Seryoso ako.”
Nilingon ko si Kuya Weiz. “May makakasama naman si Amalia, ‘di ba?”
“May kasama siyang magbabantay sa kanya.”
Tumingin ako kay Ziljian. “Pinatuloy ka rito ni Kuya Weiz no’ng sa kanya pa ang bahay na ‘to. Kaya siya naman ang pagbigyan mo ngayon.”
Alam kong maling desisyon ito. Gusto ko lang subukan si Ziljian; kung mahal niya pa ba si Amalia, o totoong hindi na. Makikita iyon mismo ng mga mata ko sa oras na nakatira na rito ang babae.
Siguradong pagagalitan ako ni Zera sa plano kong ito. Baka ako pa ang masaktan. Hindi na ako mapipigilan pa. Natatakot lang ako na baka iba ang sinasabi sa akin ni Ziljian, kaysa sa totoong nararamdaman niya.
“Fine…” Pagsuko ni Ziljian. “Pero two weeks lang dito si Amalia.”
Umalis din agad si Kuya Weiz. Tinawag ko sina Ate Linda para linisin ang dating kwarto ni Ziljian. Hindi naman nabanggit ng kapatid ko kung kailan pupunta rito sa Amalia. Hindi na ako magtataka kung mamaya lang ay nandito na siya.
“Why?” biglang tanong ni Ziljian. “Bakit ka pumayag na mag-stay muna rito si Amalia?”
“Bawal ba?” I raised a brow. “Hindi mo ba kayang makasama si Amalia? Naaapektuhan ka pa rin kapag nakikita mo siya?”
“No!” Nasapo ni Ziljian ang mukha niya. “Kasal na tayo, Shara. Hindi magandang ideya na may tumira pa ritong ibang babae.”
“Sabi mo nga na two weeks lang. Mabilis lang ‘yon, aalis din agad siya.”
“Why are you doing this?” Hinarap na niya ako. “Gusto mo lang ba ‘kong subukan?”
He smiled bitterly. “You really don't trust me.”
“Hindi ko alam ang sinasabi mo, Ziljian.”
Tinalikuran ko na si Ziljian. Baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya. Siguro nga na iyon ang iisipin niya. Kasal na kami pero pumayag pa ako na may tumira ditong babae.
Gusto ko lang ipamukha kay Amalia na ako na ang babaeng mahal ni Ziljian. Magsisisi siya na pumunta pa siya rito.
Natapos ang araw na hindi pumupunta rito si Amalia. Hindi rin kami gaanong nag-usap ni Ziljian. Ako ang umiiwas sa kanya. Nagharang pa nga ako ng mga unan sa gitna namin habang natutulog kami. Hindi tuloy niya ako mayakap.
Nagising ako na may bouquet na sa tabi ko. Sakto rin na bumukas ang pinto. May dala-dala si Ziljian na tray na may mga pagkain. Para bang bumabawi siya sa hindi namin pagkakaintindihan kahapon.
“I'm not a perfect husband,” usal ni Ziljian. “Pero ang pagmamahal ko sa asawa ko, buong-buo. Kaya ko pang higitan...”
“Sobrang mahal na mahal kita, Shara,” muling sabi niya at niyakap ako. “Hinding-hindi ko magagawa ang mga bagay na iniisip mo.”
“Ano ba ang nasa isip ko?”
“Iniisip mo na mahal ko pa rin si Amalia.” Humigpit ang yakap niya sa akin. “Na hindi naman totoo…”
Pagkahiwalay ni Ziljian ay hinawakan ang mukha ko. “You’re my wife, Shara. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko.”
“Of course.” Dumako ang kamay niya sa tiyan ko. “Pati na rin si Yloriah…”
Napangiti na ako at niyakap siya. “Dapat lang! Kami lang ni baby ang mamahalin mo.”
“Hinding-hindi ko sasaktan ang mag-ina ko…”