Chapter 35

9.6K 238 1.1K
                                    

Hi! This is the last chapter of Embrace Me In Your Arms. See you in the Epilogue! 

I love you po <3

Chapter 35

Wala na si Amalia.

Paulit-ulit na pumapasok iyon sa isip ko. Alam kong hindi magbibiro si Ate Franzine tungkol sa kalagayan ng kapatid niya. Kahit si Ziljian ay hindi matanggap na wala na si Amalia.

Mahalaga pa rin talaga sa kanya si Amalia; bilang kaibigan niya. Kung noong una pa lang ay tinanggap ko na iyon, hindi na sana humantong pa sa ganito. Kahit na hindi ko sinasadya ang nangyari; ako pa rin ang sisisihin sa pagkawala ni Amalia.

"P-paano kung..." I bit my lower lip. "W-wala na si Amalia, kaya siguradong itutuloy ni Ate Franzine ang balak niya."

"Ipakukulong niya 'ko..." My voice trembled. "Pero sana, hayaan niya muna akong manganak. Hindi ko kakayanin na pati ang anak natin ay nahihirapan."

Hinawakan ni Ziljian ang kamay ko. "No, hindi ko hahayaan na mangyari 'yon."

"Pero—"

"Please..." He mumbled. "Hindi kita pababayaan, Shara. Kahit na galit na galit si Franzine, pakikiusapan ko siya. Hindi mo kasalanan 'yon."

Hindi na binitiwan pa ni Ziljian ang kamay ko. Papunta kami ngayon sa Funeral home kung saan nandoon si Amalia. Alam kong ang kapal ng mukha ko na bisitahin siya. Hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa ginawa kong pananakit sa kanya.

Araw-araw akong hahabulin ng konsensya ko. Ako ang huling nakasama ni Amalia nang nabuhuhay pa siya. Nagawa ko siyang saktan sa mga sinabi ko. Itinulak ko pa siya at hinayaang magpagulong-gulong sa hagdan. Ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

"We're here..."

Naunang bumaba si Ziljian at pinagbuksan ako ng pinto. Habang papalapit sa lugar ay nanghihina ang mga tuhod ko. May mga nakakasalubong kami na siguradong binisita si Amalia. 

Nang matanaw ko na ang kabaong ay mas lalo akong nanghina. Wala na talaga si Amalia. Nang dahil sa akin ay napadali ang buhay niya. Buong buhay kong dadalhin ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

Kakaunti lang ang mga tao na nakikiramay. Natanaw namin si Ate Franzine na nakaupo sa tabi ng kabaong ni Amalia. Tulala lang siya na siguradong hindi matanggap ang nangyari sa kapatid niya.

Humigpit ang hawak ko kay Ziljian. Kahit siya ay makikita sa mukha ang lungkot. Dumako na ang tingin sa amin ni Ate Franzine.

"K-kasalanan ko..." Napayuko na lang ako. "Kung hindi dahil sa 'kin, hindi mawawala si Amalia..."

"Alam n'yo, galit na galit ako sa inyong dalawa." Matigas niyang sambit. "Pero wala na 'kong lakas pa para saktan kayo. Ayaw ko rin magkagulo sa burol ng kapatid ko."

"Alam kong nasa payapa na siyang lugar."

Naiyak na lang si Ate Franzine. Kahit ako ay hindi ko na rin napigilan ang pagtapak ng mga luha ko. Nakikita ko ang mukha ni Amalia mula sa loob ng kabaong. Para lang siyang mahimbing na natutulog. Suot-suot niya ang necklace na bigay sa kanya ni Ziljian.

"N-nagising si Amalia," pagpapatuloy ni Ate Franzine. "P-para lang magpaalam sa 'kin... Na pagod na pagod siya kaya huwag ko na siyang pigilan pa na umalis."

"I-I'm so sorry..." I mumbled. "P-pinatay ko si Amalia..."

"No, Viah." Tipid na ngumiti si Ate Franzine. "Hindi mo pinatay si Amalia. Ang kapatid ko ang may desisyon sa nangyari..."

Marahan niyang hinaplos ang kabaong. "K-kasi kahit pa nabuhuhay siya, hindi niya makita ang ganda ng mundo. K-kahit saang lugar ko siya dalhin; kadiliman lang ang nakikita niya."

Embrace Me In Your Arms (Embrace Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon