Chapter 21

14.4K 286 750
                                    

Chapter 21

“Ziljian naman!” Inis akong nagpapadyak. “Bakit mo ‘ko nilagyan nito?! Paano kung makita ni Kuya Weiz?!”

Nakaharap ako sa salamin habang hinawak-hawakan ang leeg ko. Sobrang pula niyon na pinanggigilan ni Ziljian. Nilagyan niya lang naman ako ng hickeys!

“Sorry, babe,” natatawa niyang sabi. “Ikaw ang nagsimula…”

I rolled my eyes. “Pero dapat walang ganito! Hindi ko alam kung paano ko matatakpan ang hickeys na ‘to! Mabuti sana kung isa lang, bakit naman tatlo?!”

Alam kong kasalanan ko rin dahil nilandi ko siya kanina. Pagkagising namin ay naging abala na kami ni Ziljian sa isa't isa. Ngayon pa naman namin ibabalita kay Kuya Weiz ang tungkol sa kasal namin ni Ziljian.

“I hate you, babe!” Inis kong sabi kay Ziljian. “I hate you so much!”

Natigilan si Ziljian. “Hindi mo na ‘ko mahal?”

Bumahid sa mukha niya ang lungkot. Nawala naman bigla ang inis ko. Hindi ko dapat sinabi iyon. Naiinis ako sa kanya pero mali pa rin na sabihan ko siya ng masasakit na salita.

Kung si Ziljian ang nagsabi sa akin niyon, baka kanina pa akong umiyak. Mabilis pa naman akong masaktan pagdating sa kanya.

“Joke lang,” usal ko at niyakap siya. “Bati na tayo…”

“Really?”

“Yup!” Ngumiti na ako. “Gusto ko ng kiss, babe…”

Hinawakan ni Ziljian ang mukha ko at dinampian ako ng halik. Lalayo na sana siya pero niyakap ko siya sa batok. Ang ginawa ko ay gigil kong kinagat ang pang-ibabang labi niya. Napangiwi naman si Ziljian at mahina pa akong tinulak para lang tumigil ako sa ginagawa ko.

“Nakaganti rin ako sa ‘yo!” Humalakhak pa ako.

Hindi umimik si Ziljian. Humarap siya sa salamin para tingnan ang lips niya. Hindi ko akalain na dudugo iyon! Nakikita ko talaga sa mukha ni Ziljian na nasaktan siya sa ginawa ko.

“I’m sorry…” Napayuko na lang ako. “Napaka-immature ‘ko.”

Akala ko ay hindi ako papansinin ni Ziljian pero bigla niyang hinawakan ang mukha ko. Umiiyak na pala ako. Natatakot lang ako na baka magalit siya sa akin. Alam ko talaga na nasaktan siya sa pagkagat ko sa kanya.

Hindi man lang ako nag-iisip! Mas inuna kong gumanti sa kanya.

“Hush…” Pilit niya akong pinapakalma. “Okay lang, babe, hindi naman masakit.”

“Anong hindi? Eh, pumutok nga ang kinagat ko sa ‘yo! Nakikita ko ‘yong hiwa sa lower lip mo!”

Gusto ko sanang haplusin iyon pero dumudugo pa rin talaga. Pinupunasan na lang ni Ziljian ng tissue. Kung sa akin nangyari iyon, baka hindi na ako tumigil pa sa pag-iyak.

Paano kung hindi na ako makahalik pa kay Ziljian nang dahil sa katangahan ko?!

“I’m sorry, babe,” panlalambing sa akin ni Ziljian. “Kasalanan ko kung bakit mo nagawa sa ‘kin ‘to. Kung hindi lang sana kita ginalit…”

“Mas kasalanan ko dahil kinagat ko ang labi mo!” singhal ko. “Nagkasugat tuloy!”

“No. It's my fault…”

“Ako sabi!” 

“Shara,” matigas niyang sambit. “Ako ang may mali, kaya ako ang may kasalanan.”

“May kasalanan din ako, Ziljian! Kaya ako rin ang nagkamali!”

“No, babe!” Umiling-iling pa si Ziljian. “Ako ang lalaki, kaya ako ang sisihin mo sa nangyari.”

Embrace Me In Your Arms (Embrace Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon