Chapter 29

6.9K 177 742
                                    

Chapter 29

“No, Amalia,” matigas na sambit ni Ziljian. “I’m married.”

Dumako ang tingin sa akin ni Ziljian. “Mahal na mahal ko ang asawa ko.”

Natigilan ako sa narinig. Naramdaman kong hinawakan ni Zera ang kamay ko. Mukhang may ideya na siya sa nangyayari. Inaasahan ko na hahayaan ni Ziljian na yakapin siya ni Amalia, pero pinigilan niya lang ang babae.

Lalapit na sana si Ate Franzine pero pinigilan siya ni Kuya Weiz. Walang nagawa ang babae kundi ang manatili sa pwesto niya. Naalala ko na magkaibigan nga pala sina Ate Franzine at Ziljian. Kaya siguro nakilala ni Ziljian si Amalia.

“Hindi mo man lang ba ako namiss?” tanong ni Amalia. “Alam kong mahal—”

“Hindi na kita mahal, Amalia,” pagputol ni Ziljian. “Matagal na...”

“I want you to meet my wife…”

Lumapit sa akin si Ziljian at hinawakan ang kamay ko. Binitiwan naman ako ni Zera. Nagtungo kami sa harapan ni Amalia. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Totoo ngang wala siyang paningin.

“My wife is now in front of you…”

Nilingon ko si Ziljian, tumango siya kaya agad kong naintindihan ang ibig sabihin niya. Hindi ko akalain na magagawa niya ito. Pero hindi pa rin ako makampante, lalo na't iba ang kutob ko kay Amalia.

“I’m Linoviah Cyhara Guerrero.” Pagpapakilala ko kay Amalia. “Ziljian’s wife...”

Nilahad ko ang palad ko sa harap niya, kahit na imposible niyang tanggapin. Pero natigilan ako nang hawakan niya iyon, na para bang pinakaramdaman niya muna kung nasaan ang kamay ko.

“Amalia,” usal niya.

Bibitaw na sana ako pero hinigpitan niya ang kapit sa akin. Bumaon ang mga kuko niya sa balat ko. Kung hindi lang sumingit si Ate Franzine, hindi bibitaw sa akin ang kapatid niya.

“Let’s go na!” sambit ni Ate Franzine at inis na tiningnan si Ziljian. “Akala ko pa naman, magiging masaya rito ang kapatid ko dahil ang tagal niyang hinintay na makasama ka, Ziljian!”

Habol ang tingin namin sa kanila. Napakamot sa batok si Kuya Weiz at sumunod sa magkapatid. Hahawakan na sana ni Ziljian ang kamay ko pero iniiwas ko iyon sa kanya.

“Papasok na ‘ko sa loob.”

Nilampasan ko si Ziljian. Kahit si Zera ay hindi ko na pinansin pa. Haharangan sana ako ni Zaire pero mabilis akong umiba ng direksyon. Masaya kami kanina, pero bigla akong nawala sa mood.

Pagpunta ko sa kwarto ay umupo agad ako sa gilid ng kama. Pinagmasdan ko ang kamay ko. Tama nga ako, may bakat ng mga kuko ni Amalia. Nararamdaman kong galit siya sa akin.

Bakit? Dahil ba ako na ang mahal ni Ziljian? Ngayon ay bumalik siya para lang agawin ang lalaking sinayang niya?

Hah! Sa tingin niya ba na papayag ako? Wala akong pakialam kung naging mahalaga siya kay Ziljian! Hindi ko hahayaan na siya ang sumira sa relasyon namin ng asawa ko!

“No way!” I gritted my teeth. “Uubusin ko talaga ang buhok ng babaeng ‘yon!”

Biglang bumukas ang pinto. Hindi ko magawang tingnan si Ziljian. Umupo siya sa tabi ko at tiningnan ang kamay ko. Mukhang napansin niya ang nangyari kanina.

“Does it hurt?” nag-aalala niyang tanong. “Kukuha lang ako ng ointment.”

Tatayo na sana siya at agad ko siyang pinigilan. “Okay lang ako.”

“I’m sorry,” he mumbled. “Hindi ko alam na kasama nila si Amalia…”

“Tell me, Ziljian.” Nanatili ang tingin ko sa kanya. “Wala ka bang nararamdaman nang nakita mo ang first love mo?”

Embrace Me In Your Arms (Embrace Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon