Chapter 16
“Yes?” Nagpagulong-gulong ako sa kama. “Seryoso ba si Ziljian? Alin do’n sa tanong ko? Na mahal niya ‘ko?!”
Hindi ko na alam kung ilang beses na akong nagpagulong-gulong sa kama ko. Halos mahilo na ako pero hindi ko matigilan. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Ziljian.
Nang sinabi iyon sa akin ni Ziljian, bigla akong natameme. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Umalis ako sa lugar na iyon na lutang ang isip.
“Pero baka naman hindi para do’n?” I sighed. “Baka ang sinagot ni Ziljian ay sasamahan niya ‘ko na manood ng sunset?”
Hindi malabong iyon nga ang tinutukoy ni Ziljian. Asa pa naman na mahalin niya ako. Siguro nga ay mahalaga ako sa kanya. Pero dahil lang sa magkaibigan kami.
Kumbaga kahit na palagi kaming magkasama. May wall na humahadlang sa gitna naming dalawa ni Ziljian. Kahit na ano pa ang gawin ko para mawasak iyon. Hindi ko talaga magawa dahil si Ziljian na mismo ang pumipigil para lang huwag masira iyon.
“Gaga ka talaga, Viah!” Ibinaon ko ang mukha ko sa unan. “Umasa ka na naman na mahal ka ni Ziljian! Imposible nga ‘yon!”
Umupo ako at niyakap ang mga binti ko. Dumako ang tingin ko sa dalawang paper bag. Hindi ko pa rin nabubuksan iyon. Sobrang curious talaga ako kung anong klaseng pendant ang pinili ni Ziljian.
“Argh!” Bumangon na ako mula sa kama. “Bubuksan ko na nga! Bahala na!”
Kinuha ko ang isang paper bag. Nilabas ko ang maliit na box at binuksan. Natigilan na lang ako nang makita ang design. Gold bracelet ito, at may tatlong heart na sunod-sunod.
Mabilis ko rin binuksan ang isang box. Kahit sa necklace ay puso rin ang pendant. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang pinagmamasdan ang dalawa iyon.
“Bakit puso, Ziljian?” bulong ko. “May meaning ba ‘to?”
Pupuntahan ko sana si Ziljian para tanungin ang tungkol dito pero mas minabuti ko na huwag na lang. Naalala ko bigla ang sinabi ni Zera, na huwag kong bibigyan ng meaning ang lahat.
Baka ito lang ang best seller kaya ganitong design ang binili ni Ziljian. Iyon na lang ang iisipin ko. Muli kong ibinalik ang dalawang iyon sa kani-kanilang lalagyan. Susuotin ko na lang kapag pumunta kami sa Batangas.
Kinabukasan ay nagkulong ako sa kwarto ko. Umalis kasi si Ziljian para bumili ng mga kailangan niya sa pagpipinta. Wala akong ganang sumama kaya nagpaiwan ako.
Nag-vibrate bigla ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Zaire.
Zaire:
Miss na kita :(
Viah:
Lasing ka, no?
Tigilan mo ko! 😤
Zaire:
Nasa work ako, kaya paano ako malalasing?
Viah:
Nasa work ka naman pala, bat ka nanlalandi? 😡
Zaire:
Iniiwasan mo ako. Akala ko ba, babawi ka sa akin?
Viah:
Sa birthday mo na lang, pramis talaga!!!
Zaire:
Sure yan, ha?
Viah:
