Chapter 22
Zaire:
No, Viah. Hindi ako makikipagkita sa kapatid ko.
Ayaw ko rin na maging best man nyo.
Napabuntonghininga na lang ako sa nabasa ko. Hindi ko alam kung bakit nagmamatigas si Zaire. Noong una ay gustong-gusto niyang makita si Ziljian. Ngayong kinukulit ko siya, saka naman ayaw niyang makipagkita sa kapatid niya.
Ako ba ang dahilan? Kung ganoon nga, hindi ko mapigilan na ma-konsensya. Mas lalo kong pinaglayo ang loob nila sa isa't isa. Naghihintay pa naman si Ziljian na makita ang kapatid niya.
Wala raw ideya si Ziljian na nandito sa Pilipinas ang half-brother niya. Bata pa lang kasi ay pumunta na sa States si Zaire, kasama ang kanyang ina. Doon na sila nanirahan. Kaya rin nawalan ng chance si Ziljian na makipag-ayos sa half-brother niya.
Nang umuwi rito si Ziljian, nagbabakasakali raw siya na makikita niya si Zaire. Pero hindi niya talaga mahanap ang lalaki. Pakiramdam ko tuloy na si Zaire talaga ang nagtatago kay Ziljian.
“Ayaw niya pa rin makipagkita sa ‘kin?” biglang tanong ni Ziljian.
Mabagal akong tumango. “Nagmamatigas pa rin si Zaire. Tinanggihan niya nga rin na maging best man sa kasal natin.”
Hindi ko akalain na papayag si Ziljian na maging best man si Zaire. Ang problema lang ay ang lalaki. Hindi namin mapipilit si Zaire kung ayaw niya talagang gawin iyon.
“Sorry…” I bit my lower lip. “Ako yata ang dahilan kung bakit nagmamatigas sa ‘yo si Zaire.”
“What do you mean?”
Hindi ko pa nasasabi kay Ziljian ang pag-amin ng kapatid niya; na mahal ako ni Zaire. Akala ko pa noong una ay magagalit sa akin si Ziljian dahil naglihim ako tungkol sa half-brother niya.
Pero hindi nagalit si Ziljian. Nakaramdam lang siya ng selos, pero hindi dahilan iyon para kagalitan niya ang kapatid niya. Gustong-gusto niya pa ngang makipag-ayos kay Zaire na umiiwas naman sa kanya.
“Mahal ako ni Zaire,” halos pabulong kong sambit. “Minahal niya agad ako, kahit na hindi pa namin kami matagal nagkakasama…”
Bumahid ang gulat sa mukha ni Ziljian. Kaya para mapanatag, agad ko siyang niyakap. Hindi niya magawang umimik.
“Sinabi ko kay Zaire na tigilan na niya ‘ko. Na kalimutan na niya ang feelings niya para sa ‘kin,” paliwanag ko pa. “Dahil ikaw ang mahal ko si Ziljian…”
Tumingala at tumitig kay Ziljian. “Galit ka ba sa ‘kin?”
“No, hindi ako galit sa ‘yo.” Niyakap niya ako pabalik. “Natatakot lang ako…”
“Natatakot saan?”
“Na mas pipiliin mo ang kapatid ko kaysa sa ‘kin,” his voice broke. “Katulad ni Dad na kinalimutan na ‘ko…”
Nanikip ang dibdib ko. Sinasabi ko na nga ba’t hindi niya pa rin makalimutan ang Dad niya; na mas pinili si Zaire. Kahit naman may reason ang Dad nila noon, mahirap pa rin maintindihan iyon ng katulad ni Ziljian na bata pa.
Ni hindi man lang nito nagawang bumawi kay Ziljian. Parang ang hirap isipin ang pangungulila na nararamdaman noon ng lalaking mahal ko.
“Una pa lang, nilinaw ko na kay Zaire na mahal kita. Kahit na kaibigan lang ang tingin mo sa ‘kin, naghintay pa rin ako sa ‘yo.” Itinaas ko ang kamay ko. “Look, babe, kanino ba galing ang singsing na ‘to?”
I cupped his face. “Hindi ba’t sa ‘yo, Ziljian? Dahil ikaw ang lalaking pinili kong makasama habambuhay…”
Hahalikan na sana ako ni Ziljian nang biglang may tumikhim. Mabilis kaming naglayong dalawa. Nakalimutan namin na nasa living room lang kami. Biglang dumating si Kuya Weiz!