Chapter 19

9.8K 243 673
                                    

Chapter 19

Warning: R-18

Nagising ako na tanging comforter lang ang bumabalot sa katawan ko. Nilingon ko si Ziljian, nakayakap siya sa akin. Wala siyang suot na pang-itaas. Naglalapat ang balat namin sa isa’t isa. Hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog niya.

Tumagilid ako at pinagmasdan ang mukha niya. Hindi talaga ako magsasawa na titigan si Ziljian. Ngayong engaged na kami, hinding-hindi na kami mapaghihiwalay pang dalawa. Hindi ko rin hahayaan na mangyari iyon.

Pinalandas ko ang isang daliri ko sa noo niya, pababa sa tungki ng ilong niya. Bahagya siyang gumalaw pero hindi naman nagmulat.

“Ang daya mo, Ziljian…” Sumimangot ako. “Tinulugan mo lang ako!”

Inaakit-akit ko pa siya! Para akong tanga na hinawakan ang sarili ko. Ibinaba ko na ang puri ko bilang babae, tapos tutulugan lang ako ni Ziljian! Hindi pa rin talaga nawala ang epekto ng alak sa kanya.

Walang nangyari sa amin. Pinatakam lang ako ni Ziljian, pero hindi pinanindigan. Kung sakaling wala siyang inom ng alak, baka natuloy pa na gawin namin iyon. Hinayaan ko na lang siyang matulog.

“Babe?” Mahina kong tinapik ang pisngi niya. 

“Hmm…” Ziljian groaned.

“Pwede ba ‘kong lumabas?” 

Kumunot ang noo niya. “Why? Ano’ng gagawin mo sa labas?” 

“Maglalakad-lakad lang sa dalampasigan para magpahangin,” tugon ko. “Mabilis lang ako…”

“Sasamahan kita…”

Uupo na sana si Ziljian pero pinigilan ko siya. Mas mabuting ako lang ang lumabas. Para kung sakaling magpakita si Zaire. Sinabi ko na lalayuan ko na siya pero gusto ko siyang makausap.

Personal kong sasabihin kay Zaire na layuan na niya ako. Alam ko na may feelings siya sa akin pero mas mabuting sumuko na agad siya. Mas lalo lang siyang masasaktan kung aasa siya sa isang tulad ko na ikakasal na.

“Mabilis lang talaga ako.” Dinampian ko siya ng halik sa lips. “Babalik agad ako…”

Wala nang nagawa si Ziljian kundi ang hayaan ako. Pumunta ako sa banyo at nag-tootbrush. Mamaya na lang ako maliligo. Hindi na matuloy-tuloy pa ang panliligo namin ni Ziljian sa dagat.

Nagsuot lang ako ng white shorts at binagayan ko ng damit ni Ziljian. Black iyon at mahaba, kaya ang ginawa ko ay itinali ko sa likod nang maging fitted. Nagmukha siyang crop top. Lumalabas tuloy ang tiyan ko. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang mahaba kong buhok.

Pagkalabas ko ng hotel ay nagtungo ako sa dalampasigan. Puti ang buhangin at pinong-pino kaya ang sarap maglakad. Wala akong ideya kung nandito pa rin si Zaire. Nagtungo na lang ako kung saan ko siya nakita kahapon.

Hindi nga ako nagkamali. Nakita ko si Zaire na nakaupo sa buhanginan. Nakatanaw lang siya sa karagatan habang malalim ang iniisip. Habang papalapit ako sa kanya ay dumako na ang tingin niya sa akin.

Nang malapit na ako sa kanya ay umupo rin ako sa buhanginan. Yakap-yakap ko ang mga binti ko, naka-cycling naman ako. Malayo ang agwat naming dalawa. Sa dagat na ako nakatingin, habang siya ay nakatitig sa akin.

“What are you doing here?” He asked me.

“Gusto ko lang magpaalam sa ‘yo…” Nilingon ko na siya.

“Magpaalam?” Kumunot ang noo niya. “Aalis ka?”

“No…” I shook my head. “Na sana huwag na tayong magkita pa…”

Embrace Me In Your Arms (Embrace Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon