Chapter 17

14.2K 372 747
                                    

Chapter 17

“Ziljian!” Mahina kong tinapik-tapik ang pisngi niya. “Wakey! Wakey! Umaga na!”

Nakaupo ako sa tiyan niya habang pilit ko siyang ginigising. Maaga akong nagising at agad na nag-tootbrush. Mahirap na’t baka bigla akong mapasabak sa matinding halikan.

Nag-init ang mukha ko nang maalala ang pag-amin sa akin ni Ziljian. Akala ko ay nagbibiro lang siya, pero hindi niya binawi ang sinabi niya.

Kahit ako ay napaamin na rin kay Ziljian. Alam na niya na mahal ko siya. Hindi ko na pinatagal pa dahil ang tagal kong hinintay na mangyari iyon. Matapos naming mag-aminan ni Ziljian ay lumabas kami para kumain.

Akala ko ay may mangyayari na sa amin pero tinulugan ako ni Ziljian! Napagod siguro siya sa mahabang biyahe kaya hinayaan ko na lang na magpahinga siya. Hindi man lang ako nakahalik sa kanya kagabi!

Umasa pa naman ako na magiging wild siya sa akin. Iyong tipong itatali niya ako sa kama habang kinakain niya ako. Hindi ko naman pipigilan si Ziljian sa gagawin niya. Ako pa mismo ang magtatali sa sarili ko.

Napailing na lang ako sa naiisip ko. Mukhang kailangan ko nang maghanda dahil may aminan nang nangyari. Ibig sabihin, posible na akong wasakin ni Ziljian sa kama.

“Wake up na, babe!” inis kong sabi dahil ayaw niya talagang gumising.

“Hmm…” He groaned. “What time na ba?”

“Six na! Kaya need mo nang gumising!”

“Sobrang aga pa, Shara,” usal niya. “Sa hapon pa ang wedding nila…”

Sumimangot ako. “Lalambingin mo pa ‘ko kaya maaga kitang ginigising!”

Aalis na sana ako sa pagkakaupo sa kanya pero biglang hinawakan ni Ziljian ang braso ko. Hinila niya ako kaya tuluyan na akong napapatong sa kanya. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Hinahaplos-haplos niya pa nga ang buhok ko.

“Wala kang sasabihin sa ‘kin?” tanong ko habang nanatili pa rin ako sa ibabaw niya.

Hindi pa rin ako binibitiwan ni Ziljian. Parang sasabog ang puso ko sa saya. Hindi ko alam kung ano na ang relasyon namin. Basta masaya ako dahil mahal din ako ng lalaking mahal ko.

“Good morning, babe…” He said softly.

“No! Hindi ‘yan!” 

“I love you,” malambing na sabi ni Ziljian at marahang hinagkan ang ulo ko. “Mahal na mahal kita, Shara…”

Napangiti na ako. “Mahal din kita, Ziljian…”

Hindi ko namalayan na muli akong nakatulog. Nakapatong pa ako sa ibabaw niya! Pero nagising ako na mag-isa na lang ako sa kama. Hinanap agad ng paningin ko si Ziljian. Hindi ko siya nakita sa kahit saang sulok ng silid.

Bigla kong naisip na baka panaginip lang ang lahat. Katulad nang nangyari noon. Baka hindi ito totoo. Nag-iimagine lang ako na mahal ako ni Ziljian dahil iyon ang gusto kong mangyari.

“Wow, Viah, sobrang galing mo!” Umupo ako sa kama at niyakap ang mga binti ko. “Umasa ka na naman sa imposibleng mangyari!”

Nagsimula akong umiyak. Mukhang panaginip nga lang ang lahat. Kung kailan masaya na ang puso ko, saka naman ito madudurog sa katotohanan na hindi talaga totoo ang nangyari.

“Shara,” boses ni Ziljian kaya natigilan ako. “Are you okay?”

Lumapit siya sa akin at agad akong hinarap sa kanya. Natigilan si Ziljian nang makitang umiiyak ako. Habang dinamba ko naman siya ng yakap habang patuloy sa pag-iyak.

Embrace Me In Your Arms (Embrace Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon