Chapter 11
“What are you doing, Shara?” boses ni Ziljian.
“Hindi mo ba nakikita?” tugon ko habang patuloy pa rin sa pagtuwad sa harap ni Ziljian. “Nag-e-exercise!”
Nasa likod ko siya habang abala ako sa pag-i-stretch ng katawan ko. Inaabot ko ang dulo ng rubber shoes ko gamit ang mga kamay ko. Naka-sports bra lang ako at cycling. Nakapuyod pa ang buhok ko.
Tagaktak na ang pawis ko pero hindi pa rin ako tumitigil. Nandito ako sa tapat ng garden. Tanging tubig ang laman ng tiyan ko. Sana lang ay huwag akong magutom mamaya.
Kailangan ko na talagang alagaan ang sarili ko. Babawasan ko na rin ang pagkain ng matatamis. Sisimulan ko nang mag-diet. Hinding-hindi talaga ako maaakit sa niluto ni Ziljian.
“Bakit?” tanong niya pa. “May event ka ba na pupuntahan?”
Hinarap ko na si Ziljian. “Gusto kong maging sexy sa nude painting mo!”
Simulan ko naman banatin ang mga binti ko. Salitan kong ginagawa iyon. Si Ziljian ay naglakad na papasok ng bahay. Napailing na lang ako at hinayaan siya.
Pero ilang saglit lang ay bumalik siya. May dala-dala pang upuan na mukhang balak akong panoorin. Pagkaupo niya roon ay nag-crossed arms pa siyang tumitig sa akin.
Hindi ko nakikitang nag-e-exercise si Ziljian pero sobrang ganda pa rin ng katawan niya. May abs nga na ang sarap hawakan!
“You don't need to exercise,” aniya. “Kaya kong dayain ang gagawin ko.”
“No way!” I rolled my eyes. “Gusto kong maging perfect ako roon!”
Hindi naman ako sobrang taba na. Pero nagkakaroon na ako ng bilbil. Gusto kong alisin iyon. Hindi pa rin nababanggit ni Ziljian kung kailan namin balak gawin ang nude painting. Kaya dapat maghanda na ako.
Haler! Maghuhubad lang naman ako sa harap ni Ziljian! Makikita niya ang buong katawan ko. Kahit na nakita na naman niya noong una, nakararamdam pa rin ako ng hiya.
Ang lakas din ng loob ko na maging bida sa gagawin niyang nude painting. Sinabi niya na hindi niya pa nasusubukang gawin iyon. Kaya gusto kong sa akin niya unang maranasan iyon. Sana wala nang babaeng susunod pa.
Naglatag ako ng yoga mat at nagsimulang mag-stretch ng katawan. Hindi pa rin inaalis ni Ziljian ang tingin niya sa akin. Para bang gustong-gusto niya ang nasasaksihan niya.
Napangisi na lang ako. Sinimulan kong tumuwad habang nakaharap sa kanya. Alam kong nakikita na ang cleavage ko. Pasimple akong tumitingin kay Ziljian, napapalunok na lang siya.
“Oh...” Sinimulan kong umungol habang binabanat pa rin ang katawan ko. “Ah, Ziljian...”
Muli akong sumulyap kay Ziljian, nakaiwas na siya ng tingin sa akin. Pero pansin ko ang paggalaw ng Adam’s apple niya. Ang sarap niyang asarin.
“Ziljian!” I called him.
“Why?”
“Help me!” ani ko at umupo na. “Gusto kong mag-sit ups!”
“Sure…”
Lumapit na sa akin si Ziljian. Humiga ako sa mat, habang si Ziljian naman ay hinawakan ang rubber shoes ko para hindi tumaas ang mga binti ko kapag inangat ko na ang katawan ko.
Inihawak ko naman ang dalawang kamay ko sa likuran ng ulo ko. Muli akong tumingin kay Ziljian, nakaiwas siya ng tingin. Hindi man lang niya magawang tumitig sa akin. Nakalabas din kasi ang tiyan ko.
“Start na ‘ko, ha?” sabi ko.
Tumango siya. “Okay…”
Sinimulan ko nang iangat ang katawan ko. Sa bawat pag-angat ko, siya rin na paglapit ng mukha namin sa isa't isa. Hindi ko maalis ang titig kay Ziljian na hindi talaga makatingin sa akin.