Chapter 34
"W-what?" His voice trembled. "What the hell are you saying?"
"Alam kong narinig mo ang sinabi ko." Hindi ko inalis ang tingin sa kanya. "Maghiwalay na tayo, Ziljian..."
Humigpit ang hawak ko sa singsing. Hindi ko akalain na magagawa ko ito. Si Ziljian lang naman ang iniisip ko. Alam kong hindi ko ito kakayanin; para kay Ziljian ay gagawin ko ang lahat.
Kahit pa ikaguguho ng mundo ko.
"I want to file an annulment," muli kong sabi. "Ibabalik ko na rin 'tong wedding ring sa 'yo. Sisimulan ko nang mag-empake. Aalis na 'ko rito sa bahay mo."
"No way!" Lumapit sa akin si Ziljian at hinawakan ang mukha ko. "You're joking, right? Alam kong hindi ka seryoso sa sinabi mo."
"Seryoso ako, Ziljian!" Matigas kong sambit at tinapik ang kamay niya. "Gusto kong maghiwalay na tayo."
"Why are you crying?" His voice broke. "Nasasaktan ka dahil ayaw mo. Hindi mo rin gusto ang desisyon mo na iwan ako."
"Hindi ako papayag na maghiwalay tayo, Shara. Hinding-hindi tayo maghihiwalay..."
Nagsimula nang umiyak si Ziljian. Kahit ako ay walang tigil sa pag-iyak. Akala ko ay magiging matapang ako. Pero hindi ko pala kaya, lalo na kung nakikita ko siyang ganito.
Sobra-sobra na ang sakit na ipinaramdam ko sa kanya. Pero kahit isa ay wala siyang sinabi sa akin. Itinatago niya sa sarili niya ang totoong nararamdaman niya.
"Ayoko na, Ziljian..." Halos pabulong kong sambit. "Ayaw ko nang ipagpatuloy pa ang relasyon natin."
"A-ayaw mo na sa 'kin?" Humihikbi niyang sabi. "H-hindi mo na kayang manatili pa sa tabi ko?"
"Tungkol naman sa anak natin... Kapag nailabas ko na siya; pwede mo siyang puntahan at alagaan." Pinilit kong ngumiti. "Hindi kita pagdadamutan sa anak natin."
"Kahit naman hiwalay na tayo, hindi ko ilalayo sa 'yo ang anak natin. Kailangan ka ni Riah."
"Pero sa sarili mo? Pagdadamutan mo na 'ko? Ilalayo mo 'ko sa babaeng mahal ko?" Halos pumiyok na siya. "You think na papayag ako na hindi tayo buong pamilya? H-hindi 'yon ang pangarap ko para sa anak natin... At kahit pa sa ating dalawa...".
"Mas mabuting maghiwalay na tayo, Ziljian," halos pabulong kong tugon. "Para hindi na masayang pa ang buhay mo sa isang tulad ko."
"N-nabibigla ka lang, Shara," pagpapatuloy niya. "H-huwag ganito... H-hindi pwede 'tong gusto mo."
"A-ayaw ko na sa relasyon natin..." I lied to him.
"N-no, please..." He begged. "H-huwag naman pati ako kaayawan mo."
"Mahal na mahal kita, Shara..."
Lumuhod na sa harapan ko si Ziljian. Hawak-hawak niya ang kamay ko. Kailangan kong panindigan itong desisyon ko. Hindi ko hahayang makulong siya walang kwenta tao na katulad ko.
"Alam kong pagod ka na sa 'kin, Ziljian." Humihikbi ako. "Pagod na pagod ka na..."
I stared at him. "H-hindi mo lang ako mahiwalayan dahil kasal na tayo. D-darating ang araw na ikaw mismo ang makikipaghiwalay sa 'kin. D-dahil sobrang pagod na pagod ka na..."
"P-pinagdududahan kita kahit na wala kang ginagawang masama." Pagpapatuloy ko pa. "Iniisip ko rin na sinungaling ka. Hindi ko magawang pagkatiwalaan ang sariling asawa ko."
"N-nagsasawa ka na sa 'kin, Ziljian. Hindi mo lang sinasabi 'yon," my voice broke. "Napapagod ka nang palaging intindihin ako. Habang balewala lang sa 'kin ang lahat ng ginagawa mo."