Chapter 3

18.8K 358 558
                                    

Chapter 3

"So, ano'ng chika na sa buhay mo?" tanong ni Zera habang nakataas pa ang kilay. "Boyfriend mo na ba?"

Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Wala siyang trabaho ngayon kaya napag-desisyonan ko na bisitahin siya. Sakto naman na nag-iisa lang siya rito sa condo.

Nagpaalam pa ako kay Ziljian bago umalis. Gusto niya pa nga sana akong ihatid, pero tumanggi lang ako. Hindi na rin naman siya nangulit pa. Basta huwag daw akong uuwi nang madilim na. Mahirap na't baka daw mapahamak pa ako.

Balak niya pa akong sunduin mamaya! Asa naman na magpasundo ako. Kaya kong umuwing mag-isa. Ayaw kong sayangin ang oras niya para lang sa isang katulad ko.

Kapag talaga sinanay niya ako, siya rin ang magsisisi. Makulit pa naman ako. Lalo na kapag komportable ako sa isang tao. Baka hindi na matahimik ang buhay niya nang dahil sa akin.

"Ano?" pangungulit pa ni Zera. "Kayo na ng lalaking 'yon?"

Niyakap ko ang isang unan. "Hindi, ah!"

"Oh, bakit parang malungkot ka?" nang-aasar niyang tugon. "Gusto mong maging kayo, 'no?"

"No way!" Umiling-iling pa ako. "Wala pa sa isip ko 'yon!"

"Weh?"

I glared at her. "Oo nga!"

Umupo na ako sa gilid ng kama habang yakap-yakap pa rin ang unan. Hindi mawala sa isip ko si Ziljian. Lampas isang buwan ko na pala siyang kilala.

Marami-rami na rin ang mga lugar na napuntahan namin. Lalo na ang sikat na puntahan ng mga tao. Hindi ko alam kung ano ang trip niya kung bakit gusto niyang mamasyal. Basta sinasamahan ko lang siya.

Mas naging close na rin kami. Nakaka-biruan ko na nga siya. Habang tumatagal, mas lalo ko na siyang nakilala.

Hindi siya gaanong palaimik. Kapag magkasama lang kami saka siya nagiging madaldal. Para bang wala siyang choice kundi ang makipagsabayan sa kadaldalan kong taglay.

"Kung gano'n," ani Zera. "Ano'ng reason at nandito ka?"

"Bakit?" I raised a brow. "Bawal bang bisitahin ang best friend ko?"

"Hindi naman, pero wala ka ba talagang baon na chika?"

I sighed. "Meron, pero baka asarin mo lang ako!"

Isinubsob ko ang mukha ko sa unan. Nahihiya akong aminin sa kanya kung ano ang nasa isip ko. Kahit na magkaibigan kami ni Zera, alam kong pipigilan niya ako sa gusto kong gawin.

"Ano ba 'yon?" nagtataka niyang tanong. "Paano ko malalaman kung hindi mo sasabihin?"

"Kasi..." I bit my lower lip.

"Ano?" aniya at pilit akong hinarap sa kanya. "Makikinig ako..."

"Gusto ko siyang maging fuck buddy!" pag-amin ko kay Zera.

Napansin kong natigilan siya. Ilang saglit lang ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko, kasabay nang pagyugyog niya sa akin. Halos mahilo ako sa ginagawa niya.

"Ano?! Nababaliw ka na ba, Viah?!" bulyaw niya. "Alam mo ba kung ano'ng sinasabi mo?!"

Napayuko ako. "A-alam ko..."

"Alam mo naman pala! Kaya bakit gusto mong subukan? Paano kung masaktan ka lang, ha?!"

Naiintindihan ko siya. Tama naman si Zera, posible akong masaktan sa gagawin ko. Hindi malabong mahalin ko si Ziljian. Lalo na't komportable na ako sa tuwing nakakasama ko siya.

Iyon ang dahilan kung bakit gusto kong pumasok sa ganoong bagay. Dahil natatakot ako na mabaling sa ibang babae ang atensyon niya.

Katulad ng ginawa kong panlalandi ko sa kanya noong unang pagkikita namin. Baka kapag may ibang gumawa niyon, bumigay rin siya. Na makipag-sex siya sa ibang babae.

Embrace Me In Your Arms (Embrace Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon