Chapter 4

10.6K 261 557
                                    

Chapter 4

“Argh!” Napasandal ako sa headboard ng kama habang hinihilot ang sentido ko. “Ang sakit ng ulo ko…”

Mariin pa akong pumikit dahil sa hilong nararamdaman. Naalala ko na pumunta kami ni Zera sa bar kagabi. Marami-rami ang nainom ko. Nakipagsayaw pa nga ako sa lalaking hindi ko kilala!

Pagmulat ko ay natigilan na lang ako nang mapagtanto kung nasaan ako. Nasa kwarto ako ni Ziljian! Naaamoy ko sa paligid ang pabango niya. Parang ang sarap tumambay rito.

Napansin ko rin na iba na ang suot ko. Naka-pantulog na ako! Wala akong maalala na nagpalit ako. Hindi na rin ako amoy alak na halos iligo ko na kagabi. Ang baho-baho ko tuloy!

Hindi talaga ako sanay sa alak pero ang lakas ng loob ko na magyaya kay Zera. Naiinis pa rin ako kasi napupunta na sa ibang babae ang atensyon ni Ziljian. Baka isang araw ay wala na siyang pakialam pa sa akin.

“Oh, my God!” Napatakip ako sa bibig ko nang maalala ang sinabi ko kay Ziljian. “Gaga ka, Viah! Nakakahiya ka!”

Inis akong nagpapadyak. Napahinto lang ako nang marinig ko na bumukas ang pinto. Natanaw ko si Ziljian na may dala-dalang isang basong tubig. Ipinatong niya iyon sa lamesa at pagkatapos ay hinawi niya ang kurtina.

Pumasok na sa loob ang sinag ng araw. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Nag-iinit na ang mukha ko. Siguradong natatandaan niya pa ang sinabi ko kagabi.

“Masakit ba ang ulo mo?” tanong niya at umupo sa gilid ng kama. “Nahihilo ka?”

I looked away. “Hmm…”

“Uminom ka muna…”

Tinanggap ko ang basong binigay niya. Nakasandal pa rin ako sa headboard ng kama. Kahit na hindi ako nakatingin kay Ziljian, pansin kong nakatitig siya sa akin. Mukhang gusto niyang linawin ko ang sinabi ko sa kanya kagabi.

“Tungkol sa sinabi—” He cut me off.

“No, Shara…”

Gulat ko siyang nilingon. “Huh?”

“Hindi ako pumapayag sa gusto mo,” seryoso niyang sambit. “Hindi ko kailangan no’n…”

Humigpit ang kapit ko sa baso. Nakikita ko sa mukha ni Ziljian na seryoso siya sa sinabi niya. Siguro nga, hindi ako kaakit-akit sa paningin niya. Pinagbigyan niya lang ako noong gabing iyon.

Hindi na nga rin natuloy pa iyong kiss na hinihingi niya sa akin. Nawala na siguro sa isip niya. Handa na sana akong gawin! Pinaasa niya lang pala ako sa wala.

“Pero kapag ang best friend mo,” usal ko. “Pwede?”

“What?” Kumunot ang noo niya.

“Palagi kayong magkasama! Natulog ka pa nga sa condo niya! Kaya imposibleng walang nangyari sa inyo ng kaibigan mo!” Hindi ko napigilan na lumakas ang boses ko.

“So, iniisip mo ‘yon?” nagtataka niyang tanong. “Na nakikipag-sex lang ako sa kaibigan ko?”

Natahimik ako.

“No, Shara,” giit niya. “Walang nangyayari sa amin ni Kylie. Kaibigan ko lang siya.”

Niyakap ko ang unan niya at sinubsob ang mukha roon. Kahit paano ay naging panatag ako. Sapat na nalaman ko na ang totoo. Pero hindi ko matanggap na tinanggihan niya ako!

Siguro kung sa ibang lalaki, papayag sila. Maganda naman ang katawan ko. Maputi ako at makinis. Palagi nga akong muse noon dahil kapansin-pansin ang mukha ko.

“Ayaw mo talaga akong maging—”

“I said no,” matigas niyang sambit. “Hindi mo ‘ko mapipilit sa gusto mo, Shara…”

Embrace Me In Your Arms (Embrace Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon