Chapter 27

12.3K 255 787
                                    

Chapter 27

“Kasal na talaga kami ni Ziljian.” Hindi ko maalis ang tingin sa wedding ring na suot ko. “Magiging ina na rin ako…”

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Manipis na night dress ang suot ko. Hindi mahahalata ang baby bump ko. Parang hindi ako buntis dahil kahit si Ziljian ay hindi iyon nahalata sa tuwing may nangyayari sa amin.

Nagulat pa nga ako nang malaman kay Dr. Zaragoza, sa OB-Gyne ko na malapit nang mag-three months ang ipinagbubuntis ko. Wala talaga akong ideya, kung hindi lang ako nakaranas ng kakaiba sa akin.

Nang malaman ko na buntis ako, hindi agad ako maniwala. Baka panaginip na naman at umasa lang ako. Kulang na lang ay magpasampal ako kay Zera. Pero totoo pala talaga, na may nagbunga na sa pagmamahalan namin ni Ziljian.

Sinadya ko na hindi muna sabihin kay Ziljian na buntis ako. Sinakto ko na sa kasal namin ipaalam sa kanya. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang reaksyon niya. Sobrang saya ng asawa ko na magkakaanak na kami.

“Babe?” boses ni Ziljian mula sa labas ng pinto. “Okay ka lang ba?”

“Yup!” tugon ko. “Wait lang, lalabas na ‘ko!”

Naghilamos ako at pinunasan ang mukha ko. Pagkatapos ay lumabas na ako ng banyo. Humiga na kami ni Ziljian. Malalim na ang gabi at kailangan ko na talagang matulog. Bawal sa akin ang nagpupuyat.

“Sorry, babe,” usal ko at niyakap siya.

“Hmm…”

“One week na ang nakalipas nang ikasal tayo, pero hindi pa rin tayo nakakapunta sa Baguio.” Humina ang boses ko. “Hindi ko alam na magiging mahilohin ako sa biyahe…”

“Okay lang ‘yon…” He gently caressed my hair. “Mas gusto ko na nandito lang tayo, para makapaghinga kayo ni baby…”

Sunod naman ay marahan niyang hinaplos ang tiyan ko. Palagi na niyang ginagawa iyon. Mas lalong dumoble ang pag-aalaga sa akin ni Ziljian. Kulang na lang ay huwag na akong gumalaw pa dahil siya na lahat ang gumagawa.

“Huwag mong pahihirapan si Mommy, ha?” Pakikipag-usap ni Ziljian sa anak namin. “Pero kung pasaway ka rin na katulad ng Mommy mo, si Daddy ang pahirapan mo. Hindi ako magrereklamo…”

Napasimangot ako. “Pero kapag ako? Magrereklamo ka?”

“No way!” He chuckled. “Pahirapan mo rin ako, kahit pa araw-araw.”

Muli akong niyakap ni Ziljian. Ginagawa na namin ito noon, pero iba na ngayon. Mag-asawa na kami ng lalaking mahal ko; na dati lang ay hinihiling ko na sana ay mahalin niya rin ako.

“Hindi ko naranasan ang pag-aalaga ng isang ama,” his voice broke. “Pero gagawin ko ang lahat para sa anak natin. Magiging mabuti akong ama sa kanya…”

“Mabuti kang tao, Ziljian.” I cupped his face. “Lalo na ang puso mo, kaya siguradong magiging mabuti kang ama sa anak natin. Pati sa mga susunod pa...”

Hindi maalis ni Ziljian ang tingin sa akin, para siyang maiiyak. Akala ko talaga noong una na sobrang sungit niya. Medyo suplado pa nga siya dahil hindi siya nagpapadala sa panlalandi ko.

Nagkamali ako.

Dahil habang tumatagal, mas lalo ko siyang nakilala. Mabuti ang puso ni Ziljian. Hindi lang iyon, pati na rin bilang tao. Bilang lalaking mahal ko na palaging nasa tabi ko para alagaan at mahalin ako.

Ngayon ay magiging ama na siya. Magkakaroon na kami ng sarili naming pamilya. Mahirap na pagsubok ito, pero kakayanin naming dalawa. Basta magkasama kami ni Ziljian.

Embrace Me In Your Arms (Embrace Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon