Chapter 18

9.4K 252 663
                                    

Chapter 18

“Totoo ba talaga?” Hindi ko maalis ang tingin sa kaliwang kamay ko, kung saan suot ko ang singsing. “I'm getting married!”

Kanina pa akong nasa bathtub. Isang oras ko na yatang tinititigan ang kaliwang kamay ko. Pumayag ako kay Ziljian na magpakasal kami. Akala ko ay manliligaw lang siya, pero kasal agad ang inalok niya.

Hindi ko siya kayang tanggihan. Masyadong mabilis pero ito rin ang gusto kong mangyari. Ang ikasal kaming dalawa ni Ziljian. Kilala na naman namin ang isa't isa.

Nakatira kami sa iisang bubong. Nagtatabing matulog, sabay kumakain, naglulutuan, at inaalagaan ang bawat isa. Para na kaming mag-asawa ni Ziljian. Para bang naghahanda na kaming dalawa sa future namin.

“Gusto kong humingi ng singsing sa ‘yo, Ziljian,” bulong ko at napangiti. “Pero hindi ko akalain na engagement ring ang ibibigay mo sa ‘kin…”

Pinigilan ko pa ang sarili ko noong time na nasa mall kami. Na gusto ko talaga ng singsing pero walang kami. Kaya nanahimik na lang ako. Iyon pala, si Ziljian ang kusang magbibigay sa akin.

Silver ring ito, na may diamond sa gitna. Ayaw kong itanong kung magkano ang bili ni Ziljian. Baka mahimatay lang ako sa presyo. Mabuti na lang ay bagay sa kamay ko. Saktong-sakto nga rin sa daliri ko na para talagang sinukat.

Matapos kong maligo ay nagtapis ako ng tuwalya. Paglabas ko ng banyo ay natutulog pa rin si Ziljian. Nakadapa pa siya at walang suot na pang-itaas.

Pagod na pagod si Ziljian! Sa anong dahilan? Syempre walang iba kundi sa trabaho niya! Nangalay ang braso niya. Apat na oras siyang walang tigil sa pagpipinta. Mabuti na talaga ay nagustuhan ng mag-asawa ang gawa niyang painting.

Hindi ko alam kung hanggang ilang araw kami rito sa Batangas. May naghihintay pa siyang gawain kaya siguradong hindi kami aabot dito ng isang linggo.

Tinuyo ko ang buhok ko at nagsuot na ng pantulog. Humiga ako sa tabi ni Ziljian na umayos agad ng higa. Umunan ako sa isang braso niya at yumakap sa kanya.

Naalimpungatan si Ziljian sa pagyakap ko sa kanya kaya saglit siyang nagising.

“I’m sorry, babe,” he mumbled. “Babawi talaga ako sa ‘yo bukas…”

Napangiti ako. “Okay lang, alam kong pagod ka…”

Hinarap ko si Ziljian at hinawakan ang pisngi niya. Nakapikit lang siya na halatang inaantok pa. Wala akong balak na kulitin siya ngayon. Hahayaan ko siyang magpahinga.

“Sobrang proud ako sa ‘yo, Ziljian,” bulong ko. “Palagi mong tatandaan ‘yan…”

Napangiti si Ziljian at hinagkan ang noo ko. Natulog kaming magkayakap. Kung dati ay puno ang isip ko na baka hindi ako magagawang mahalin ni Ziljian. Ngayon naman ay engaged na kami ng lalaking mahal ko.

Panatag na ang puso ko.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising para maglakad-lakad sa dalampasigan. Maganda pa kasi ang sinag ng araw. Hindi masakit sa balat. Hindi na mapaghiwalay pa ang mga kamay naman ni Ziljian.

“Seryoso ka ba talaga?” tanong ko at humilig kay Ziljian.

“Seryoso saan?”

“Dito…” Itinaas ko ang magkahawak naming kamay, kung nasaan ang singsing. “Na pakakasalan mo ‘ko? Baka nabibigla ka lang?”

“Iniisip mo na hindi ako seryoso na pakakasalan kita?” Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako sa kanya. “Hindi ko babawiin ang sinabi ko sa ‘yo. Nangangako ako na ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama…”

Embrace Me In Your Arms (Embrace Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon