Chapter 5
“Kaya mo ‘yan, Viah,” pagpapakalma ko sa sarili ko. “Siguradong mayamaya lang ay mawawala na ang lagnat mo…”
Hindi ko akalain na paggising ko ay inaapoy na ako ng lagnat. Nagawa ko pa rin na bumaba para lang sabayan si Ziljian sa pagkain ng almusal. Hindi naman siya nakahalata na masama ang pakiramdam ko.
Kahit na nilalagnat ako ay naligo pa rin ako. Ngayon na ang punta namin sa Enchanted Kingdom. Ayaw kong sayangin ang araw na ito. Uminom na ako ng gamot para mabilis na mawala ang lagnat ko.
Nagsuot ako ng outfit na madali akong makakikilos. Lalo na't balak kong sumakay sa lahat ng rides. Naka-black high waisted roll hem denim shorts ako, at pastel pink crop top. Pinuyod ko ang buhok ko para hindi sagabal.
Siguradong lalamigin ako kaya nagpatong na rin ako ng white cardigan. Exposed din kasi ang tiyan ko, baka bigla na lang akong kabagin. Kailangan kong maging maayos sa paningin ni Ziljian.
“Viah…” Malalim akong huminga. “Hindi niya pwedeng malaman na may lagnat ka. Baka hindi pa kayo matuloy!”
Isinukbit ko na ang shoulder bag ko at agad na lumabas. Sakto rin na naghihintay na sa tapat si Ziljian. Nakasandal pa siya sa pinto niya. Nang magtama ang tingin namin ay pinilit kong ngumiti.
Naka-white T-shirt siya na ang tanging tatak ay check, at ang partner ay black pants. Ang pang-ibaba niya naman ay white rubber shoes. May nakapatong pa nga na sunglasses sa ulo niya.
Sobrang guwapo talaga ng nilalang na nasa harap ko!
“Let's go na,” nakangiti kong sabi. “Malayo-layo rin ‘yon. Kailangan nating makarating agad para ma-enjoy natin ang lahat ng rides…”
Nagsimula na akong maglakad. Hahakbang na sana ako sa hagdan nang hawak niya ang palapulsuhan ko.
“Wait,” pagpigil niya sa akin.
Nagtataka ko siyang nilingon. “Huh? Bakit?”
Hinila niya ako papalapit sa kanya. Nang matigilan na lang ako nang hawakan niya ang pisngi ko. Pilit niya akong hinarap sa kanya. Hanggang sa ipinaglapat niya ang noo namin sa isa't isa.
Napakapit ako sa tela ng damit niya. “Ziljian…”
“Ang init mo,” bulong niya. “Nilalagnat ka…”
I swallowed hard. “H-hindi, ah…”
Mabilis akong lumayo sa kanya. Kaya naman pala niya ginawa iyon, gusto niya lang malaman kung mainit ba ako. Pilit ko ngang tinatago sa kanya na masama ang pakiramdam ko.
Pero nahalata pa rin niya!
“Hindi na tayo aalis,” aniya at lumapit sa akin. “Magpahinga ka na lang.”
Umiling-iling ako. “Sayang naman ang outfit ko kung hindi tayo matutuloy!”
“Mas mahalaga ka, Shara,” aniya sa mababang boses. “Kaya huwag na matigas ang ulo mo…”
Bigla niya akong binuhat, bridal style. Dinala niya ako sa room ko at pinaupo sa gilid ng kama. Lumuhod siya sa harap ko at inalis ang suot kong rubber shoes. Pagkatapos ay tumabi siya sa akin at marahan niyang hinila ang pagkakatali ng buhok ko.
“Medyo basa pa ang buhok mo, itinali mo na agad,” aniya at umiling-iling. “Mas lalong sasakit ang ulo mo...”
“Schedule natin ngayon,” nakanguso kong sabi. “Excited na ako, pero hindi pa rin natuloy nang dahil sa lagnat ko!”
Humiga na ako habang kinumutan niya naman ako. Akala ko ay lalabas na siya, pero laking gulat ko nang umupo siya sa gilid ng kama. Lumapit naman ako sa kanya.