Chapter 32
Trigger Warning: Sensitive language and content.
“A-ano?”
Napaatras na lang ako habang nakatitig kay Amalia. Sa hitsura niya pa lang, mukhang may ideya na ako sa nangyari. Wala si Ziljian sa tabi ko dahil nakipagkita siya kay Amalia habang mahimbing ang tulog ko.
Walang telang nakatakip sa mga mata ni Amalia. Mayroon siyang nilalagay na artificial eyes. Kung titingnan, para talaga siyang nakakakita. Kung hindi ko lang alam na bulag siya.
“M-may nangyari sa inyo ni Ziljian?”
Hindi sumagot si Amalia, pero mas lalong lumapad ang ngisi niya. Hindi ako nakatiis na salubungin siya nang malakas na sampal. Hinila ko rin ang buhok niya. Nawalan siya ng balanse kaya natumba siya sa sahig.
“Malandi kang babae ka!”
Hindi ko tinigilan ang paghila sa buhok ni Amalia. Nang makarinig ako ng mga yabag paakyat ng hagdan. Natigilan ako nang makita kung sino iyon.
“What's happening here?” tanong ni Ziljian at lumapit sa amin. “Shara, tama na!”
Pilit na inalis ni Ziljian ang pagkakasabunot ko kay Amalia. Nang magtagumpay siya ay inilayo niya sa akin ang babae. Ni hindi man lang nagulat si Ziljian nang makitang hubad ang babaeng iyon.
Niyakap pa ni Amalia ang asawa ko habang panay ang pagsusumbong. Mukhang ako na naman ang lalabas na mali rito.
“Really, Ziljian?” Pagak akong tumawa. “Kinakampihan mo talaga ang babaeng ‘yan?”
“No, Shara! Hindi ko siya kinakampihan!” Pagtanggi niya. “Pero mali ang ginagawa mo.”
“Bakit?” Tears rolled down my cheeks. “Nag-sex na kayo ni Amalia? Habang mahimbing ang tulog ko?!”
“Talagang hinintay mo pa ‘kong makatulog para lang mapuntahan mo ang babae mo!”
“What?” Natulala na lang si Ziljian at akmang lalapit sa akin pero umatras ako palayo. “Walang nangyari sa ‘min ni Amalia!”
“Hindi ako naniniwala sa ‘yo!” singhal ko. “Lumabas ka pa para lang puntahan si Amalia! Para ano? Para siya naman ang tikman mo?!”
Nilingon ko si Amalia. “Tingnan mo nga ang ginawa mo sa babaeng ‘yan! Hindi mo man lang binihisan!”
“Ang bababoy n‘yo!” Hiyaw ko pa. “Sobrang nandidiri ako sa ‘yo, Ziljian!”
“Hindi ko alam ang sinasabi mo, Shara.” Nasapo na lang ni Ziljian ang mukha niya. “Lumabas ako dahil tumawag si Mama! Hindi ako nakipagkita kay Amalia!”
“No, Ziljian…” Umiling-iling pa ako. “Malinaw sa ‘kin na may nangyari sa inyo ni Amalia! Niloloko n’yo ‘ko!”
“Hindi ako nagsisinungaling sa ‘yo.” His voice trailed off. “Please, maniwala ka sa ‘kin. Walang nangyari sa ‘min ni Amalia. Hinding-hindi ko lolokohin ang asawa ko.”
Hindi ko maalis ang tingin kay Ziljian. Nakikita ko ang sakit na nakaukit sa mukha niya. Habang si Amalia, para bang masaya pa sa naririnig niya na nag-aaway kami.
Sinabi ni Amalia na natutulog si Ziljian sa kama niya. Pero mukhang totoo ang sinabi ni Ziljian na galing siya sa labas. Ganitong oras tumatawag si Mama. Kung gabi dito, doon ay maliwanag pa.
“Kung ganoon nga,” mahina kong sambit. “Bakit hubad ang babaeng ‘yan?”
“I don't know,” he replied. “Lumabas ako ng room natin na hindi ko siya nakita. Nagtagal ako sa labas para makipag-usap kay Mama.”