Prologue

48.5K 639 1.2K
                                    

Prologue

Warning: R-18

“Uuwi ka na ba sa pamilya mo? Siguradong namimiss ka na nila…”

Natigilan ako sa tanong ni Zera. Umupo ako sa gilid ng kama at tumitig sa kisame. Hindi ko na natatandaan pa kung kailan ako huling umuwi sa pamilya ko.

Pagkatapos ko ng kolehiyo, tumayo na agad ako sa sarili kong mga paa. Lumayo ako at nagsimulang maghanap ng trabaho. Hindi ko kayang makasama ang pamilyang pilit na gustong baguhin ang buhay ko.

Alam ko na may karapatan sa akin ang mga magulang ko. Pero hindi ko magagawa ang inuutos nila sa akin. Gusto nila akong mag-Doctor. Dahil parehas na ganoon ang propesyon nilang dalawa.

Pero nagmatigas ako. Mas pinili ko ang kursong malayo sa gusto nila. Iyon ay ang BSBA major in Marketing Management. Natapos ko ang kursong iyon, na muntikan pa akong mahulog dahil marami akong mababang grades.

Oo na! Matatalino ang pamilya ko, ako lang ang naligaw ng landas! Ako ang natatanging bobo at kulelat!

Ang hirap maging anak sa mga magulang na mataas ang tingin sa ‘yo. Para bang wala kang sariling desisyon sa buhay mo. Lahat na lang sa kanila ay mali. Nagawa ko tuloy na magmatigas sa kanila dahil sa pamimilit nila sa akin.

Kaya ayaw kong mag-Doctor dahil alam kong hindi ko kakayanin. Hindi ko matutupad ang gusto nila. Kaya heto ako ngayon, natanggal na sa trabaho! Dahil lang sa isang pagkakamali ko, sa kadahilanang nagalit sa akin ang boss ko! 

Hindi niya nagustuhan ang planong ginawa ko sa isang business. Pilit kong ipinaglaban dahil pinaghirapan ko iyon at pinagpuyatan. Hanggang sa hindi ako nakatiis at minura ko na siya. Dahil siya naman ang naunang sabihan ako ng masasakit na salita.

Alam kong ako ang mali dahil nagawa ko siyang sagutin. Pero tanggap ko na naman sa sarili ko na hindi talaga ako tatagal sa trabaho ko. Kaya mabuti pang umalis na lang ako!

Hindi ko na alam kung saan ako pupulutin. Hindi ako pwedeng bumalik sa pamilya ko. Dahil simula nang tinalikuran ko sila, alam kong hindi na nila ako matatanggap pa.

Pero may isang tao na pwede kong malapitan sa ganitong oras na gipit ako! Kailangan kong kumapit sa mayaman!

“Linoviah Cyhara Morales!”

Inis kong nilingon si Zera. Pinandilatan ko pa siya dahil ayaw ko talagang marinig ang buong pangalan ko. Masyadong sosyal para sa isang bobong katulad ko.

Sorry, ha! Asal kalye kasi ako. Kumbaga, ako iyong dumi sa pamilya namin.

“I mean,” aniya at nag-iwas ng tingin. “Viah…”

I let out a heavy sigh. “Aalis na ‘ko. Maiiwan kita rito…”

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. “Okay lang, basta huwag mo ‘kong kalilimutan.”

“Oo naman,” tugon ko at niyakap siya. “Hindi ko kalilimutan ang kaibigan ko…”

Nag-iyakan kaming dalawa. Magkasama kami ni Zera sa isang condo. May isa pa kaming kasama na busy ngayon sa work. Magkakahati naman kami sa bayarin, pero mahihirapan na ako dahil wala na akong trabaho.

Kaya mabuti pang umalis na lang ako. Tanggap naman ni Zera ang desisyon ko. Alam niya kung ano ang nangyayari sa buhay ko, lalo na sa pamilya ko na sobrang ikinahihiya ang isang tulad ko.

Lalo na siguro kapag nalaman nila na natanggal ako sa trabaho. Kahit na ano ang mangyari, kahit na sobrang magipit pa ako at walang makain.

Hinding-hindi ako babalik kina Mom at Dad! Baka pagtawanan lang nila ako.

Embrace Me In Your Arms (Embrace Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon