Chapter 31

7.7K 197 796
                                    

Chapter 31

“W-what?” Natulala na lang si Ziljian. “I don't love her!”

“Hindi?” Pagak akong tumawa. “I don't believe you, Ziljian! Hindi ako maniniwala sa lahat ng sasabihin mo!”

Inis kong pinunasan ang mga luha ko. Ngayon ay alam ko na ang sagot. Itanggi man ni Ziljian, nararamdaman ko talaga na may feelings pa siya para kay Amalia. Lalo na sa ipinakita niya sa akin ngayon.

Nagawa niya rin akong pagtaasan ng boses. Alam ko naman na kasalanan ko kung bakit nawawala si Amalia. Pero ginawa ko lang iyon dahil gusto kong malaman ang magiging reaksyon ni Ziljian.

“Shara, please,” he begged. “Mali ang iniisip mo—”

“Ano’ng iisipin ko, Ziljian?!” I roared. “Na mabait ka lang kaya ka nag-aalala kay Amalia?! Habang nasa harapan mo naman ang asawa mo!”

“Ako ang asawa mo, Ziljian! Sa ‘kin ka lang dapat nag-aalala! Wala nang iba pa!”

Pinaghahampas ko siya. “I hate you, Ziljian! Ayaw kong makita ang pagmumukha mo!”

Bigla niya akong niyakap. “Ikaw ang mahal ko, Shara, please—”

“No, Ziljian!” Malakas ko siyang tinulak. “Kahit ang pagmamahal mo sa ‘kin, hindi ko na rin kayang paniwalaan!”

Bumahid ang sakit sa mukha ni Ziljian, kasabay nang pagtulo ng mga luha niya. Naninikip na ang dibdib ko. Hindi ko na rin alam ang pinagsasabi ko. Gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko.

“Ikaw na ang buhay ko, Shara,” his voice broke. “Kung alam mo lang… kung gaano kita kamahal.”

Gusto kong lapitan si Ziljian at yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Mas nangingibabaw ang galit na nararamdaman ko. Hindi iyon mapapawi ng mga salitang sasabihin niya.

“Ba’t nandito ka pa?” I asked coldly. “Hanapin mo si Amalia, siguradong nasa gilid ng daan lang ‘yon. Hinahanap niya ang necklace na binigay mo sa kanya!”

“At oo! Sinadya ko ‘yon!” singhal ko pa. “Kasalanan ko kung bakit nawawala si Amalia!”

Tinalikuran ko na si Ziljian. Pumunta ako sa kwarto namin na walang tigil sa pag-iyak. Naka-lock din ang pinto dahil ayaw ko talagang makita si Ziljian. Pero hindi ko inaasahan na maririnig ko ang pagkatok niya.

“Mali ang iniisip mo, Shara,” boses ni Ziljian mula sa labas. “Hindi ko na mahal si Amalia…”

Soundproof ang kwarto namin pero maririnig ang ingay sa labas. Naririnig ko nga ang paghikbi ni Ziljian. Niyakap ko ang isang unan at sinubsob ang mukha ko roon.

“Yes, nag-aalala ako kay Amalia,” pag-amin niya. “Pero hindi ibig sabihin no’n na mahal ko siya…”

“No,” bulong ko. “Hindi kita paniniwalaan sa lahat ng sasabihin mo.”

“Matagal ko rin na naging kaibigan si Amalia. Katulad ni Franzine,” aniya pa. “Hanggang ngayon, kaibigan pa rin ang tingin ko sa kanya.”

“I don't care!” I gritted my teeth. “Kahit kaibigan lang ang tingin mo kay Amalia, mahalaga pa rin siya sa buhay mo!”

“I’m sorry, babe…” His voice broke. “Please, ayusin natin ‘to.”

“Mahal na mahal kita, Shara…”

Inis kong binato ng unan ang pinto. Hindi naman niya ako naririnig. Kahit pagmumurahin ko pa silang dalawa ni Amalia, ako lang ang makaririnig.

“Sinungaling ka, Ziljian.” My voice broke. “Sinungaling ka…”

Embrace Me In Your Arms (Embrace Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon