Chapter 23

8.1K 209 712
                                    

Chapter 23

Trigger Warning: Mention of Suicide and Abortion

"Mom, tama na po ang iyak." Mahigpit ko siyang niyakap. "Ako dapat ang humihingi ng tawad sa inyo ni Dad, nagawa kong suwayin ang gusto n'yo."

Nilingon ko si Dad na nakatingin sa amin, umiiyak na rin siya. "Nagawa ko rin kayong iwanan..."

Kahit ako ay naiiyak na rin. Matapos ang malakas na sampal ni Mom; mahigpit niya naman akong niyakap. Panay ang hingi ng tawad niya sa akin. Sobra ko raw silang pinag-alala ni Dad.

Kahit na busy sila sa trabaho, hindi raw ako nawala sa isip nila. Hindi ko akalain na nagawa ko ito sa mga magulang ko. Tumatanda na silang dalawa. Marami na nga ang mga puti sa buhok nila.

Kung nagmatigas pa ako, baka pagsisihan ko lang ang lahat. Naging malakas din ang loob ko nang dahil kay Ziljian. Ikakasal na kami, kaya nararapat lang na tapusin ko na ang problema ko sa mga magulang ko.

Dahil sa susunod, ako naman ang magiging ina sa mga anak namin ni Ziljian. Hindi ko rin kakayanin sa oras kamuhian nila ako, bagay na nagawa ko sa mga magulang ko.

"Naging mahigpit kami sa inyo ng Daddy mo," halos pabulong na sambit ni Mom. "Kapag nagmamatigas kayo, nagagalit kami. Pero natatakot lang talaga kami, anak. Ayaw naming masira ang buhay n'yo..."

"Kaya gusto n'yo akong mag-Doctor para lang gumanda ang buhay ko?" Hindi ko napigilan ang sarili ko. "Mom, hindi ko pinangarap 'yon! Ni hindi ko makita ang sarili ko na nagtatrabaho sa loob ng hospital! Baka mabaliw lang ako roon!"

Tumingin ako kay Dad. "Pinalayo n'yo rin ako sa nag-iisang kaibigan ko no'ng high school! Kaya habang tumatagal, nagagawa kong mag-rebelde sa inyo!"

Ngayon ay nagagawa ko nang ilabas ang saloobin ko sa kanila. Alam kong matagal na ito, pero hindi ko mapigilan. Dala-dala ko pa rin kasi ang sakit na naramdaman ko sa pagkontrol nila noon sa buhay ko.

Si Ziljian naman ay pinaakyat ko muna sa kwarto ko. Hinayaan niya rin ako dahil gusto ko talagang makausap sina Mom at Dad. Ayaw ko rin na makita niya na umiiyak ako.

"Alam n'yo pa kung ano'ng mas masakit do'n?" My voice broke. "She killed herself. Nagawang tapusin ni Lisanna ang buhay niya dahil nawala sa tabi niya ang taong iintindi sa kanya. A-ako lang ang nag-iisang kaibigan niya noong time na 'yon..."

Napaluhod na lang ako sa sahig. "H-hindi ako nakahingi ng tawad kay Lisanna. N-ni hindi ako nakatapak sa burol niya. W-wala akong lakas ng loob dahil mas pinili kong sundin kayo, kaysa ang manatili sa tabi ng kaibigan ko!"

Matagal kong itinago sa kanila ang tungkol kay Lisanna. Sa nag-iisang kaibigan ko noong high school. Siya rin ang naging sandalan ko noon. Pero nang malaman nina Mom at Dad ang tungkol sa pamilya niya, pilit nila akong pinalayo rito.

Tinakot pa nila ako na gagawin nila ang lahat para lang hindi na makapasok pa sa school si Lisanna. Hindi kasi sila mayaman. Matalino si Lisanna kaya nakapasok siya sa private school. Naging scholar siya dahil sa pagiging masipag niya sa pag-aaral.

"I'm sorry, anak," humihikbing sabi ni Mom. "H-hindi ko alam na gano'n ang nangyari, kung—"

"Dahil wala kayong pakialam sa opinyon namin!" singhal ko. "Buhay namin 'to! Pero kontrolado n'yo ang bawat kilos namin! Kahit sina Kuya, walang magawa sa inyo kaya sinusunod nila ang gusto n'yo!"

Pinilit kong tumayo. Pero nang magawa ko iyon, naramdaman kong matutumba ako dahil sa panghihina ko. Hanggang sa may umalalay sa akin. Natigilan na lang ako nang makita ko si Kuya Vince. Hindi rin nagtagal ay dumating naman si Kuya Weiz.

Hindi ko akalain na magkakaroon kami ng family reunion. Hindi naman sinabi ni Kuya Weiz na pupunta sila rito. Ngayon na lang kami nabuong pamilya.

"Pwede rin ba 'kong mag-rant dito?" biglang tanong ni Kuya Vince. "Dahil hindi lang si Viah ang pinahirapan n'yo..."

Embrace Me In Your Arms (Embrace Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon